CHAPTER 1

923 Words
Constellation’s POV: "Swift, sigurado ka bang kaya mo na?" Tanong sa akin ni Meave. Si Meave Monaghan ang pinakamatalik kong kaibigan. Simula noong pumasok ako sa Shukranovich, kasama ko na siya hanggang ngayong huling misyon ko. "Oo naman, ako pa ba? Iready niyo na lang ni Morg ang spy van." Prenteng sabi ko at tumayo. Pumunta na ako sa may make-up table at naglagay ng kolorete sa mukha. Club stripper ang role ko ngayon sa isang VIP Room, itutumba ko ang isang puganteng matagal nang wanted sa Middle East. Suot ko ang isang short red leather deep cut v-neck latex dress, tipikal na suot ng mga strippers sa club. Tinernuhan ko naman ito ng red stilettos. "Gora na ako Meave, intayin niyo na lang ako ni Morg sa labas." Sabi ko at kinindatan si Meave. "Okay b***h, bilisan mo." Sabi niya at inabutan ako ng isang Caliber-45 na may silencer. Tinanguan ko si Meave at isinabit ang baril sa may upper thigh ko. Itinali ko rin ang buhok ko para seductive akong tignan. Sabay kami lumabas ni Meave pero magkahiwalay ng daan. Tumungo na ako sa second floor kung nasaan ang VIP Rooms. Pumasok ako sa isang glass door. Bumungad naman ang isang dance floor sa 'kin na may pole sa gitna. May couch din sa tapat nito at doon nakaupo ang isang matandang Arabo. "Sayang, oldies ka pala." Bulong ko. Isinuot ko na ang maskara ko bago pumasok ng tuluyan sa kwarto. Kita ko naman ang pagngisi nung matandang m******s. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. Ramdam ko agad ang kamay niyang nasa hita ko kaya pinalo ko 'yon. "Oh, conservative are you? How many money you want me to pay you?" Tanong niya. Hindi pa siya gano'n kagaling magsalita ng Ingles. Matandang Arabo ang isang 'to. Ang bigating drug dealer ng Middle East na si Abkhur Mhulfakarit. "Ten million, can you pay me?" Tanong ko. Iniabot ko sa kaniya ang wine glass na may lamang cyanide. Planado na ang lahat, kailangan ko na lang maiexecute ang plano ng maayos. "Of course dear, here." Sabi niya at naglabas ng cheke. Binigyan niya ako ng dalawang cheke na naglalaman ng limang milyon kada isa. Mayaman nga talaga ang isang 'to, kaya pala masyadong maimpluwensya, kailangan na talagang puksain. Kinuha ko mula sa kamay niya ang cheke at inirolyo 'yon. Isiniksik ko naman 'yon sa cleavage ko. Nakita ko ang paglunok ng matandang Arabong m******s na 'to. Ininom niya ang wine na may cyanide kaya napangisi naman ako. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumwesto sa may pole. Pinindot ko ang on ng speaker at nagsimulang gumiling. Umikot ako sa pole at sumayaw ng nakakaakit. Dalawang minuto na lang, tigok na ang matandang 'to. "Show me your boobs." Sabi nung matandang Arabo, putangina. Dahil sa inis ko ay hinugot ko na ang caliber-45 na nakatago sa hita ko at binaril siya sa ulo. Bumaba na ako ng dance floor at chineck ang pulso niya. "Todas ka ng manyakol ka, salamat sa ten million. Ilang Cornetto rin ang mabibili ko rito." Muli ko siyang binaril sa ulo para sure na patay na. Kinuha ko rin ang basong may lamang wine at ibinuhos sa kaniya. m******s, nakakainit ng ulo. Ibinalik ko na ang baril sa may hita ko at nag-ayos ng sarili. May konting dugo pang tumalsik sa braso ko kaya pinunasan ko na 'yon. Prente akong naglakad palabas ng VIP Room na tila walang nangyari. Nakita ko pa ang mga bodyguard ni Abkhur Mhulfakarit na nagkukwentuhan sa labas. Hindi nila alam na patay na ang amo nila. Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas na ako sa Tiffany Club. Papunta na sana ako sa parking lot nang may tumigil sa gilid kong van. "Sumama ka sa amin kung ayaw mong masaktan." Bulong sa akin nung lalaking lumabas sa van at tinutukan ako sa tagiliran ng kutsilyo. "Ibababa mo 'yan o gusto mong masaktan?" Kalmadong tanong ko rin dito. Hahatawin niya sana ako sa leeg nang pilipitin ko palikod ang kamay niya. Napahiyaw siya sa sakit kaya kinuha ko ang kutsilyong nahulog at itinarak 'yon sa kaniyang tagiliran. May dalawang lalaking nakamask pa ang bumaba sa van at sinugod ako. Akala ko hindi na ako mapapalaban. Sabay silang sumugod sa akin kaya tumakbo ako sa may poste ng ilaw. Sumampa ako do'n at umikot kaya sabay kong nasipa ang dalawa. Kinuha ko ang baril sa hita ko at pinaputukan sila sa dibdib. Tatalikod na sana ako ng may narinig akong kasa ng baril. "Mga mahihinang nilalang, babae lang hindi pa magawang patulugin." Sabi ng isang lalaki sa likod ko. "Ibaba mo ang baril mo at humarap ka." Utos niya kaya mabilis akong sumunod. Dahan-dahan kong ibinaba ang baril at bored na tumingin sa kaniya. Nakamask din ang isang 'to. "Anong kailangan mo—" Hindi pa ako nakakatapos magsalita nang kalabitin niya ang gatilyo ng baril. Napatingin ako sa balikat kong tinamaan nito, karayom ang bala no'n. Natumba ako sa sahig dahil sa hilo. Nanlalabo na ang paningin ko at parang may humihila sa aking matulog. Huling misyon ko na 'to sa Shukranovich pero makikidnap pa ako. Kapag sinuswerte ka nga naman oh. "Sweet dreams, Swift. Kailangan ka ni boss bilang pain." Sabi nung lalaking bumaril sa akin bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD