Constellation's POV: "Oh Stella, himala at nakarash guard ka?" Natatawang tanong sa akin ni Meave. "Bwiset, manahimik ka nga r'yan na impakta ka." Inis na sabi ko at uminom ng juice. Nandito kami ngayon sa taas ng yate at nagsusun bathing. Nilagyan ko na lang ng payong ang hinihigaan ko dahil kapag nagsun bathing ako sa suot ko, mukha lang ang magiging tan sa akin. "Doing fine huh?" Tanong ni Johnson. Naka-upo siya sa paanan ko at may kinakain na apple. Inirapan ko na lang si Johnson dahil wala akong nagawa kanina, kainis. Ngingisi-ngisi naman siya. Naalala ko na naman tuloy, kainis ang isang ito talaga. "Okay then, ako ang magpapalit sa 'yo." Johnson said and pinned me to the wall. "A-Ano ba kasi gusto ko nga itong isuot." Kinakabahan kong sabi. "No, I said wear this one."

