Constellation's POV: Apat na araw na ang nakakalipas mula noong nakarating kami rito sa Germany. Lumabas na rin kami ni Johnson at minsang nagdedate habang naghahanap ng impormasyon tulad ngayon. Katulad ng dati, wala pa rin kaming label. Masaya naman kami sa ganito, si Johnson naman kasi ayaw magtanong kung pwede ko na siyang maging boyfriend, kainis. Naka-upo kami rito sa labas ng isang cafe. Nanonood kami sa mga taong dumadaan. Umorder din kami kanina ng dalawang blueberry cheesecake at dalawang donut dahil nagugutom ako. Smoothie naman ang binili kong panulak habang siya ay nagkape. "Hey, read this one." Tawag sa akin ni Johnson at inabot ang dyaryong binabasa niya. "Hindi ko alam kung paano ito basahin, ching chong kaya 'to." Sabi ko kay Johnson kaya napakamot na lang siya sa

