Constellation's POV: "Stella, tumatakas na si Olivia! Tayo na ang humuli sa kaniya, icover niyo kami!" Sigaw ni Meave at hinila ako papunta sa gilid. "Hey, be careful!" Sigaw naman ni Johnson kaya tinanguhan ko siya. Inagaw nila Johnson ang atensyon nung mga pumasok kaya nakaalis kami ni Meave. Tumakbo kami sa backdoor at pumasok sa dressing room kaso biglang may nagpaputok. "s**t, Meave!" Natamaan si Meave ng bala sa balikat kaya napatungo kaming dalawa at nagtago. Sunod-sunod pa rin nila kaming pinaputukan kaya hindi muna kami lumabas dito sa likod ng table. "s**t, pigilan mo iyang pagdurugo, ako na ang bahala." Sabi ko kay Meave at kinuha ang baril niya. Sumilip ako saglit at pinaputukan ang mga kalaban. Tatlo silang nagpapaputok sa amin, dalawang lalaki at iyong kambal ya

