CHAPTER 23

1830 Words

Constellation's POV: Ngayon na ang Auction Night kaya naghahanda na kaming lahat. Naliligo pa ako ngayon dito sa banyo at nagkukuskos ng maigi, nakakahiya naman kung ang dugyot kong tingnan doon. Tumayo na ako sa bath tub at nagbanlaw. Nagtoothbrush na rin ako at nagshave ng legs, medyo magaling naman na ang sugat ko kaso may peklat kaya hindi ako makakapagsuot ng long dress na may slit. Nagsuot na ako ng bathrobe at lumabas. Wala si Johnson, baka sa labas na banyo siya naligo. Pumasok na ako sa walk-in closet at sinuot ang isang gold na tube mermaid gown. Silk ang tela nito kaya napakagandang tingnan, may sequins rin siya. Kumuha naman ako ng stilettos na silver at isinuot 'yon. Ginamit ko naman ang Chanel shoulder bag na nandito sa cabinet, para kaming mga artista ah, sponsored.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD