Kabanata 29 Louise Jadelyn's Point of View "Saan na tayo ngayon pupunta?" Nag-aalalang tanong ko kay Rain habang nagli-ligpit kami ng mga gamit namin. Andito kami ngayon sa beach house at nagi-impake. Nakaka-lungkot lang na wala pa nga kaming isang buwan ngunit kailangan na agad namin linasin ang paraisong ito. Paniguradong ma-mi-miss ko ang lugar na 'to. Gusto ko pang mag-tagal dito. Kung hindi lang talaga kami nahanap ng Aces ay hindi naman kami aalis dito. Kaloka naman kasi ang Aces! Paano nila kami natunton ni Rain? Miski sila Xander at Lance ay wala ring ka-ide-ideya kung paano nalaman ng Aces ang lokasyon namin. Sinabi rin ni Xander sa amin na araw-araw pala kaming inaabangan ng Aces na umuwi. Palagi daw itong naka-abang sa tapat ng bahay ni Rain. Like what the f**k? Wala t

