Kabanata 30 Louise Jadelyn's Point of View Nagising ako sa sinag ng araw na bahagyang pumapasok sa loob ng kwarto ni Rain. Unti-unti akong nag-mulat ng mga mata at ang gwapong mukha agad ni Rain ang tumambad sa akin. Naka-tagilid na naka-harap siya sa akin at ganoon din ako sa kaniya. Halatang nahihimbing pa siya sa pag-tulog dahil malalim pa ang kaniyang pag-hinga. Malaya ko tuloy napagma-masdan ang kaniyang mukha. Ang gwapo-gwapo niya. Ang payapa ng mukha niya kapag ganitong tulog siya. Ang inosente at ang amo ng bakas ng kaniyang mukha. Wala talaga sa hilatsa ng kaniyang mukha na isang siyang gangster or kaya niyang pumatay sa isang iglap lang. Inangat ko ang kamay ko at banayad kong pina-dausdos sa tungki ng kaniyang ilong ang aking hintuturo. Napa-ngiti ako sa aking ginawa. A

