KABANATA 42 Louise Jadelyn's Point of View "Halika na dito!" Saad ko kay Rain habang pinapa-lapit ko siya sa akin. Nahihintakutan naman siyang tumingin sa akin. "Are you damn serious?!" He said hysterical. Tumango naman ako. "Oo nga. Mukha ba akong nagbi-biro? Now come to me!" Ma-awtoridad naman na sagot ko sa kaniya. Andito kami ngayon sa bahay at dahil weekends ay naisipan kong ituloy na ang plano kong pag-bibigay ng haircut kay Rain. Tutal wala naman kaming gagawin parehas at hindi rin aalis si Rain. Edi might as well gupitan ko na lang ang buhok niya. Kaso eto namang lalaking 'to akala niya nagbi-biro ako. Buong akala niya binibiro ko lang siya no'ng sabihin ko sa kaniya na marunong ako mag-gupit ng buhok. Akala ko naniniwala siya sa akin 'yon pala hindi. Kaloka! "I don't want

