Kabanata 41 Xander's Point of View "Ano kayang pumasok sa isip ni Rain at gusto niyang ihinto na ang plano sa Aces?" Takang tanong ni Lance habang andito kami sa leisure room at nagpapa-lipas ng oras. Iniintay namin bumalik sila Rain at Lj. Nag-paalam kasi sila na magla-library muna sila para gumawa ng assignment. Well, wala na rin naman kaming klase nila Rain kaya pwede na kami umuwi. Sadyang hinihintay lang namin si Rain dahil gusto namin siyang kausapin tungkol sa naudlot naming pag-uusap no'ng nakaraang araw. Bigla kasing dumating si Lj. Kinabahan pa nga kami dahil akala namin narinig niya ang pinag-uusapan namin. "Maybe because of Lj's relationship with Claire." Sagot naman ni Lance. I immediately felt a pain in my chest when I heard her name. Ilang araw na din simula nang h

