KABANATA 47 Louise Jadelyn's Point of View Ang pamilyar na simoy agad ng hangin at maingay na kapaligiran ang agad na sumalubong sa akin pagka-labas ko ng airport. Hindi ko maiwasang mapa-ngiti. Nakaka-miss naman ang lugar na ito kung saan ako lumaki at nagka-isip. Sa anim na taon kong pananatili sa South Korea ay hindi ko inaasahang muli akong tatapak dito. Wala kasi sa isip ko noon ang umuwi kahit na miss na miss ko na ang mga pamangkin ko at sila Ate. Katuwiran ko kasi noon ay nakaka-usap at nakikita ko naman sila thru video call. Pero iba pa rin talaga kapag nakaka-usap at nakikita mo sila sa personal. "It's nice to be back." Naka-ngiting bulong ko sa aking sarili. Napa-iling na lang ako at pumara na ako ng taxi. Nag-pahatid lang ako sa bahay nila ate. Buti na lang at doon pa

