KABANATA 46 Xander's Point of View "Talaga bang wala kang balak puntahan si Lj?" Tanong ko kay Rain habang alanganing naka-titig sa kaniya. Kakarating lang kasi namin ni Lance galing sa pagkiki-pag-kita kay Lj. Nagulat nga kami at hindi kami maka-paniwala parehas nang mag-paalam ito sa amin. Sobrang biglaan kasi. Ang bilis ng mga pangyayari. Bago mangyari ang lahat ay sa pagkaka-tanda ko okay naman sila ni Lj. Hindi naman sila nag-away or what. Kaya nakaka-bigla talaga na sa isang iglap nag-hiwalay sila at humantong sa ganito. Bakit kailangan pang umalis ni Lj? What makes her leave? Sa totoo lang, wala talaga kaming ideya ni Lancelot sa nangyayari ngayon. Hindi namin maintindihan na bakit pati ang relasyon nila Rain at Lj ay nasira na lang bigla. Pero may hinala na ako na may ki

