KABANATA 51 Louise Jadelyn's Point of View Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang pinagma-masdan ko ang kalagayan ni Rain. Naka-tutok ang baril niya sa amin ni Tito Benedict. Hawak ako sa buhok ni Tito at nasa unahan ako kaya sa akin naka-tutok ang dulo ng baril ni Rain. Habang sa kaliwa naman ni Rain ay naka-tutok sa kaniyang sentido ang baril ni Atasha at sa kaliwa ni Atasha ay naka-tutok ang baril ni Lance sa kaniya. Hindi ako natatakot na baka mabaril ako ni Rain. Sa totoo pa nga ay mas takot ako sa sitwasyong kinalalagyan nila. Grabe ang takot na nararamdaman ko. Kanina pa ako nanginginig habang nakikita kong nakikipag-barilan si Rain. Lalo na nang makita ko siyang mabaril ni Tito Benedict. Gusto kong daluhan siya agad ngunit naka-gapos ang kamay ko at bahagya ring naka-tali a

