KABANATA 50 Xander's Point of View "Ano na-contact mo na si Lj?" Tanong ko kay Lance habang abala ito sa pag-tipa sa kaniyang cellphone. Umiling naman siya sa akin. "Hindi eh. Ano bang nangyayari?" Tanong niya atsaka taka niya akong tinignan. Bumuntong-hininga naman ako habang narinig ko namang napa-mura si Rain habang iritadong sumandal sa inuupuan niyang swivel chair. "Lj is missing again." Saad ko kay Lancelot. Nalaman ko lang kahapon ng umaga na nawawala si Lj dahil dumaan ako sa bahay ng ate niya upang ayain sana siyang lumabas. Siyempre utos 'yon ni bossing. Ayain ko daw mag-lunch si Lj. Ewan ko nga ba dito kay boss kung bakit hindi siya mismo ang mag-aya kay Lj eh. Shy type ang lover boy niyo. Tapos ayon nga. Naka-usap ko 'yong ate ni Lj, ganda nga no'ng ate niya. Hindi ha

