KABANATA 49 Louise Jadelyn's Point of View "It's been a while, Louise Jadelyn." Napa-awang lamang ang aking mga labi pagka-tapos akong batiin ni Rain. Ramdam ko ang malakas na pag-t***k ng aking puso habang sinusundan siya ng aking mga mata. Umupo siya sa tabi ni Xander at agad na tumingin sa menu book na naka-patong sa aming lamesa habang ako naman ay titig na titig sa kaniya. Hindi ko alam kung para saan ang ginawang pag-bati na iyon ni Rain sa akin. Hindi naman niya ako binati no'ng nag-kita kami sa bakery. Atsaka bakit ganoon? Para bang hindi siya apektado sa muli naming pagki-kita. Hindi ba siya nagulat na nakita niya akong muli after nang pagki-kita namin sa bakery? I mean, hindi ba siya affected man lang? Bakit parang ako lang 'yong aligaga sa tuwing magki-kita kaming da

