Chapter 17 Diana Ang bawat hakbang ko ay parang isang pagtakas mula sa sarili kong anino. Hindi ko na alintana ang matatalas na dahon ng tubo na humahampas sa aking mga braso, nag-iiwan ng mapuputi at mapupulang guhit na kalaunan ay humahapdi dahil sa alat ng aking pawis. Ang tubuhan na tinitingnan ko lang ay naging isang maze ng kalituhan. Sa bawat paghawi ko sa mga dahon, ang tanging nasa isip ko lang ay ang lumayo. Malayo sa mapanuring tingin ni Fernando, malayo sa multo ni Clarissa, at malayo sa bigat ng isang pagsasamang binuo namin sa gitna ng pagmamadali at maling akala. "Bakit?" bulong ko sa hangin. Ang sariling boses ko ay nanginginig, nilalamon ng kaluskos ng mga tuyong dahon sa ilalim ng aking mga paa. Tumingala ako sa malayo. Ang Mountain of Lust ay nakatayo nang buong kar

