CHAPTER 10 Diana Nanigas ang buong katawan ko sa narinig ko. Sa loob ng maliit na silid na iyon, kung saan ang tanging liwanag ay nagmumula sa isang aandap-andap na bumbilya, parang gumuho ang mundong pilit kong itinatayo simula kaninang umaga. Clarissa. Ang pangalang iyon ay parang isang matalim na kutsilyo na humiwa sa katahimikan ng gabi. Noong una hinayaan ko lang. Pero paulit-ulit ko na iyon naririnig sa kaniya. Hindi iyom ang pangalan ko. Hindi ito ang pangalan ng babaeng nangako sa kaniya sa harap ng huwes ilang oras pa lang ang nakalilipas. Pero ito ang pangalang lumabas sa kaniyang mga labi nang may higit na pagsusumamo at pagmamahal kaysa sa anumang narinig ko mula sa kaniya buong araw. Hinila niya ako pababa. Dahil sa kalasingan at sa bigat ng kaniyang katawan, hindi ako

