“CONGRATULATIONS!” Kaliwa’t kanan ang mga bumabati kay Analyn at Theodore habang magkayakap ang mga ito na nakangiting nakaharap sa lahat ng bisita na pumapalakpak sa kanila. Maluha-luha naman ang ina nito na nakamata kay Analyn at kitang-kita ang kakaibang saya at kinang sa mga mata ng dalaga. Masaya ito para sa anak dahil sa wakas ay natagpuan na din ang tamang lalake na magmamahal ng tapat at wagas dito. Pero may parte sa puso niya ang nalulungkot sa posibilidad na lalong lalaki ang hidwaan sa pagitan ng kambal kapag bumalik si Annalisa at malaman nitong kasal na si Theodore at kakambal niya. “Tita naman. Hwag kang umiyak. Naiiyak na rin tuloy ako,” pabirong saad ni Brenda na malingunang luhaan ang Tita niya na nakamata sa dalawa. Natawa naman ito na nagpahid ng luha. “Masaya ak

