ONE WEEK LATER:
ISANG linggo ding kinabisa ng dalagang si Analyn ang galaw, pananamit at pananalita ng kakambal nito. Dahil kahit magkamukha at magkaboses sila ni Annalisa, hindi sila pareho kung kumilos, magsalita lalo na sa pananamit.
Palaging naka-ayos si Annalisa mula ulo hanggang paa nito. Branded ang mga suot at maarteng magsalita. Hindi katulad ni Analyn na simpleng dalaga lang. Ni hindi ito nag-aahit ng kilay. Higit sa lahat, hindi ito maarteng kumilos at magsalita. Kaya hirap na hirap itong kinabisa ang galawan ng kakambal nito.
“Are you ready, sis?” tanong ni Annalisa dito habang nasa tapat na sila ng mataas na gate ng mansion ni Theodore.
Napabuga ito ng hangin na napasuri sa mansion. Nasa tatlong palapag din ang mansion at purong white ang pintura. Nagkalat ang bantay sa paligid ng mansion.
“Hwag mo silang alalahanin. Kahit ang mga katulong dito ay hwag mong pansinin. Hindi naman ako close sa mga ‘yan eh. Si Theodore lang ang kinakausap ko dito. Pero dahil comatose pa siya, hindi ka mahihirapan. Ang gawin mo lang? Manatili ka sa tabi niya at hintayin ang kamatayan niya,” turan ng kambal nito na ikinalingon ni Analyn dito.
“Hindi ba’t boyfriend mo siya? Bakit ganyan ka magsalita? Na parang nais mo ng magpahinga ‘yong tao imbes na makaligtas,” wika ni Analyn dito na tila walang narinig at patuloy sa pagre-retouch ng make-up nito.
“Ano ka ba, sis? Syempre, may katandaan na si Theodore. Mahihirapan lang siya kapag nabuhay pa. Isipin mo, mauupo na siya sa wheelchair. Magiging alagain na siya. Wala siyang anak kaya sinong mag-aalaga sa kanya?” maarteng turan nito na ikinailing ni Analyn.
“Pera niya lang ang minahal mo sa kanya.”
“Mahal ko naman si Theodore, okay? Pero ang mag-alaga ako ng matandang nakaupo na sa wheelchair at pinapalitan ng diaper? Oh my gosh! I can't!” bulalas nito na diring-diri.
Napailing na lamang si Analyn na nakamata sa kakambal nito. Hindi pa man niya nakikilala ang sugar daddy ng kapatid niya, awang-awa na siya sa matanda. Ngayon ay mas nauunawaan na niya kung bakit gustong umalis ng bansa ni Annalisa. Para makaiwas ito at hindi alagaan si Theodore.
“Three months lang ang usapan natin, Annalisa. Dapat bago ang tatlong buwan, nakabalik ka na ng bansa. Hwag kang mag-alala. Aalagaan ko siya at ipagdasal ang kaligtasan niya,” saad ni Analyn dito.
“Imbes na ipagdasal mo ang kaligtasan niya, ipagdasal mo na lang na kunin na siya ni Lord, Analyn. Nang sa gano'n, hindi na siya mahirapan pa.” Nakangising saad ni Annalisa dito na inirapan nito.
“Hindi ako kasing-itim ng budhi mo, Annalisa. Hindi ka ba natatakot sa karma? Masama ‘yang ginagawa mo. Pineperahan mo lang ‘yong tao.” Pagalit ni Analyn dito na napaikot ng mga mata.
“Sis, pareho lang kaming nage-enjoy ni Theodore, noh? Ako. . . nage-enjoy ako sa pera niya. Siya naman? Nage-enjoy siya sa katawan ko. Kaya wala akong ginagawang masama noh? Hindi ko naman siya ninanakawan. Kusa niyang binibigay ang pera niya sa akin. Siya ang nagkukusa na gastusan ako. Dahil kapalit naman no'n, pinapaligaya ko siya. Maswerte na lang ako at patay na patay sa beauty ko ang matandang ‘yon.” Nakangising saad ni Annalisa na ikinailing lang ni Analyn.
Hindi ito sang-ayon sa kambal niya. Pero wala naman itong ibang pamimilian. Gusto niyang maipagamot ang ina niya. Mabigyan ng magandang buhay at bahay. Tatlong buwan lang ang titiisin niya at magbabago na ang buhay nila ng kanyang ina. Pagkatapos ng tatlong buwan, babalik na siya sa probinsya. Bahala na ang kakambal niya kung aalagaan si Theodore o tuluyang iwanan ito.
“Sige na, bumaba ka na. Magpahatid ka sa hospital sa driver. Sila na ang bahalang magdala sa'yo kay Theodore. Tandaan mong Daddy Theo ang tawag ko kay Theodore, okay?” paalala pa ni Annalisa dito na marahang tumango.
“Yong kasunduan natin, Annalisa.”
“Oo na. Saka nakuha mo naman na ang pera. Wala ka ng alalahanin pa. Habang nandidito ka sa Manila, maipapagamot na si Nanay at mapapaayos na rin ang bahay.” Saad ni Annalisa dito.
Napabuga ng hangin si Analyn na inabot ang LV handbag nito na kabadong lumabas ng kotse. Napapikit ito na malalalim ang paghinga. Kinakalma ang puso nitong kay bilis ng t***k.
“Kaya mo ito, Analyn. Tatlong buwan lang ang iyong titiisin. Kapalit nito. . . magandang kinabukasan niyo ng iyong ina,” pagpapalakas loob nito sa sarili na napahingang malalim.
MATAPOS maihatid ni Annalisa si Analyn sa mansion, nagpahatid na ang dalaga sa hospital kung saan naka-admit si Theodore. Kabado ito na makikilala na niya ang sugar daddy ng kapatid niya. Kahit comatose ito, may puwang sa puso ng dalaga ang nakukunsensya dahil para na rin niyang niloloko ang matanda sa pagpayag niyang magpanggap bilang si Annalisa.
“Come in, Ma'am.” Magalang saad ng binatang naka-uniporme ng bodyguard na pinagbuksan ito ng pinto.
Napapalunok si Analyn na pumasok ng silid at pilit nilalabanan ang pangangatog ng mga tuhod nito. Wala naman silang ibang kasama sa silid. Mukhang mag-isa na nga sa buhay ang matanda.
Dahan-dahan itong lumapit sa matandang nakaratay sa kama. Puno ng aparatus sa katawan at may benda pa sa ulo. Sugatan din ito sa mukha mula sa mga bubog ng salamin na tumama dito sa pagkaka aksidente.
Panay ang lunok nitong nangangatal ang kamay na hinawakan ang kamay ng matanda na nakakabitan ng suero.
“H-hi, ikaw pala si Theodore,” piping usal nito na marahang pinisil ang kamay ng matanda.
Mapait itong napangiti na napasuri sa itsura ng lalake. Tama nga ang kambal niya, kahit malapit na itong mag-fifty ay hindi halata sa mukha nito. Kung sa physical looks ay napakagwapo nga naman nito at parang nasa 30’s lang ang itsura.
Napakatangos ng ilong nito at may kanipisan ang mga labi nitong natural na mapula. Mestiso din ito. Makapal ang itim na itim niyang mga kilay at malalantik ang pilikmata. Kahit nakapikit ito at sugatan ang mukha, hindi maipagkakaila ang kagwapuhan nitong taglay.
“Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad sa'yo, Sir Theodore. Sa pag-iwan sa'yo ni Annalisa ngayong kailangang kailangan mo siya. At sa pagtanggap ko sa offer niyang magpanggap bilang siya para manatili dito sa tabi mo at hindi isipin ng mga tao na iniwan ka na niya. Pero sana. . . sana ay lumaban ka. Pinapangako ko pong aalagaan ko kayo hangga't nandidito ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan hanggang balikan ka na ng babaeng totoong mahal mo.” Piping usal nito na muling pinisil ang kamay ng matanda.
Sunod-sunod itong napalunok na bumilis ang t***k ng puso nang maramdamang gumalaw ang hinliliit ni Theodore! Napababa ito ng tingin sa kamay nila na muling gumalaw ang hinliliit nito!
“S-sir Theodore?” usal nito na napaangat ng tingin sa mukha ng matanda.
Pero lumipas na ang ilang minuto, hindi naman na ulit ito gumalaw. Kaya nakahinga ito ng maluwag na dahan-dahang binitawan ang kamay ng matanda at naupo katabi ito.
LUMIPAS ang mga araw, nanatili si Analyn sa tabi ni Theodore. Inaasikaso at kinakausap ito kahit hindi sumasagot ang lalake. Araw-araw din nitong tinatawagan ang ina sa probinsya. Kinukumusta at inaalam ang sitwasyon ng kanyang ina matapos magtagumpay ang operation nito sa kidney.
Sa paglipas ng mga araw, wala manlang naligaw na kamag-anak si Theodore para dalawin ito. Kaya lalong naaawa si Analyn sa binata na mag-isa na ito sa buhay. Inaalala din nito kapag nagising na ang binata at hindi na makalakad dahil napuruhan ang binti nito sa aksidente.
Paano kung hindi na ito makalakad? Sino na ang mag-aalaga sa kanya kung iiwanan na siya ng tuluyan ni Annalisa? Iisipin pa lang niya ang mga pagdadaanan nitong pasakit ay inuusig na siya ng kanyang kunsensya. Kahit gustuhin man niyang manatili si Annalisa sa tabi nito, wala naman itong magagawa dahil hindi nakikinig ang kakambal niya sa kanya.
"Sana gumaling ka na, Sir Theodore. At naway makayanan mo ang pagsubok na 'to sa'yo ng Panginoon. Manalig ka lang po sa kanya. Tutulungan ka ng Diyos," bulong ni Analyn dito habang marahang pinupunasan ng maligamgam na tubig at bimpo ang binata.
Nakasanayan na nitong punasan ang binata sa umaga at hapon. Siya na ang naglilinis nito magmula nang dumating siya ng hospital. Nasa labas naman ang mga bodyguard nito na nakabantay sa kanilang amo.
Matapos malinisan at bihisan si Theodore ay lumabas na muna ito ng hospital para bumili ng pagkain. Sinasamahan naman ito palagi ng isang tauhan ni Theodore para sa kapakanan nito.
"Kuya, sa tingin mo ba ay gagaling pa si Si--D-daddy Theo?" malungkot nitong tanong sa bodyguard nito habang hinihintay ang takeout nilang pagkain.
"Umaasa po, Ma'am Anna. Dahil napakabuting tao ni Boss. Sana nga po ay magising na siya," magalang sagot ng binata dito.
Napatitig si Analyn dito. Bata pa kasi ang binata pero napaka-matured niyang mag-isip. At dama niya ang sensiridad nito na gumaling na si Theodore.
"Matagal ka na bang naninilbihan sa kanya?" tanong ni Analyn dito.
"Baguhan lang po, Ma'am."
"Baguhan ka lang?" kunotnoong tanong ni Analyn dito na marahang tumango.
"Pinalitan ko kasi ang Kuya ko, Ma'am. Namatay si Kuya na siyang driver ni Boss noong maaksidente sila. Sumabog ang kotse at hindi na nakuha ang katawan ng Kuya ko. Pero malaki ang utang na loob namin kay Boss Theodore. Kaya nakahanda akong manilbihan sa kanya hanggang sa abot ng makakaya ko," sagot ng binata na ikinatango-tango nito.
Matapos makuha ang pagkain, bumalik na ang dalawa sa hospital. Nataranta pa ang mga ito na makitang naglabasan ang mga doctor at nurses sa room ni Theodore!
"Anong nangyayari!?" bulalas ni Analyn na ikinalingon ng mga bodyguard dito at yumuko sa dalaga.
"Ma'am Anna, mabuti at nandito na kayo. Good news po. Si Boss Theodore. . . gising na." Pagbibigay alam ng isa na ikinatulala nitong nanginig sa narinig!
"A-ano? G-gising na siya?" usal nito na parang matutumba sa pangangatog ng mga tuhod.
Inalalayan naman ito ng kasama niyang bodyguard na inakay papasok ng silid. Tulala itong naglakad na walang kakurap-kurap na nakamata sa binatang nakahiga ng kama na nakangiting nakamata dito kahit bakas ang panghihina nito.
"There you are, my baby girl. Come here. I thought. . . you already left me." Ani ng baritonong boses na ikinabilis ng kabog ng dibdib nitong narinig na rin sa wakas ang boses ng binata!
"D-daddy T-Theo."