Chapter 3

1505 Words
KABADONG lumapit si Analyn sa binatang nakangiting nakamata dito. Bakas pa rin ang pagod at antok sa mukha lalo na sa mga mata ni Theodore na nakamata dito. “Are you okay? You look tense, my baby girl.” Wika ni Theodore dito na napalunok. Napasinghap pa ito na hinawakan siya sa kamay ng binata at inalalayan itong maupo sa gilid ng kama. Hindi makatingin ng diretso sa mga mata nito si Analyn. Nag-aalala kasi ito na baka mahalata siya ni Theodore lalo na't hindi siya magaling magsinungaling. Akala kasi nito, matatagalang comatose ang binata. Pero heto at himalang nagising na ito. Hindi niya tuloy alam kung paano ito asikasuhin dahil wala naman silang napag-usapan ni Annalisa tungkol doon sa pag-aakalang matatagalan pang comatose ito. “Are you okay? What's wrong, baby? Hindi ka ba masayang gising na ako?” magkakasunod na tanong ni Theodore dito na kaagad umiling. “H-hindi naman sa gano'n, D-daddy T-Theo. Uhm, nagulat lang ako. Pero masaya ako. Sobrang saya ko kasi. . . kasi ligtas ka na,” nagkakandautal nitong sagot na ikinangiti ng kaharap. Napasinghap ito na bumilis ang t***k ng puso nang umangat ang isang kamay ni Theodore na hinaplos siya sa pisngi. “Masaya akong makitang nandidito ka. Patiently waiting for me. Sinabi ng tauhan kong ikaw daw ang personal na umaasikaso sa akin.” Nakangiting saad ni Theodore na bakas ang tuwa sa mga mata nito. “Salamat, Anna. Salamat inaalagaan mo ako nang panahong kailangang kailangan kita sa tabi ko.” Hindi nakaimik si Analyn lalo na't kita niyang napakasaya ng binata na inalagaan niya ito sa pag-aakalang siya si Annalisa. Pero kung malaman lang nito na ibang tao siya? Tiyak na magagalit ito at hindi malabong palayasin o saktan siya nito. Kaya kahit nagu-guilty ito sa puso na nagpapanggap siya para mapagtakpan ang kambal niya, pikitmata niyang titiisin. Para sa kanila ng kanyang ina. Para sa pagbabagong buhay nila. “H-hindi kita iiwan, Daddy T-Theo. Kaya magpalakas ka ha? Sasamahan kitang bumangon hanggang manumbalik ang lakas mo,” saad ni Analyn dito na napangiting nagpayakap sa dalaga. Kabado man ay pilit ngumiti si Analyn na niyakap ito. “I'm sorry, Sir Theo. Patawad po kung kailangan pa kitang linlangin. Hindi ko po gustong magsinungaling sa'yo at lokohin ka. Kapag nakabalik na si Annalisa sa'yo, pinapangako ko pong babalik na ako sa probinsya namin,” piping usal ni Analyn na hinahagod-hagod sa likuran ang binata. Kumalas ito na ngumiting hinaplos siya sa ulo ni Theodore. “Nagugutom ka na ba?” pag-iiba ni Analyn para makaiwas dito at tila may gusto itong hingin sa kanya. “Uhm, no. Mamaya na lang. Pero kung gutom ka na, kumain na muna tayo.” Saad ni Theodore dito. “Hindi pa naman ako gutom. Sige mamaya na lang para magsabay na tayo,” sagot ni Analyn dito na napangiti. “Stay here huh? Gusto ko mamaya paggising ko ay ikaw kaagad ang makikita ko, my baby girl.” Mahinang saad ni Theodore na bakas sa mapupungay niyang mata ang antok at pagod. Ngumiti si Analyn na tumango-tango at hinayaan lang ang binata na ginagap ang kamay nito. “Dito lang ako, Daddy. Hindi ako aalis kaya magpahinga ka na muna, hmm?” sagot nito na ikinangiti ni Theodore na tuluyang napapikit. NANG makaidlip na si Theodore, lumabas ng balcony si Analyn na tinawagan ang kapatid nito. Palakad-lakad ito na hinihintay sumagot ang kapatid niya. “Hello?” “What? Make it fast, Analyn. May ginagawa ako,” hinihingal na anas ni Annalisa sa kabilang linya. “Stop it, babe. Sandali–uhmm!” Napalunok si Analyn na marinig na may sinasaway si Annalisa sa tabi nito na tinawag pa niyang babe. Hindi naman ito ipinanganak kahapon para hindi mahinulaan ang nangyayari. Nakakatiyak siyang may ibang lalakeng kasama si Annalisa abroad at kasalukuyan silang may ginagawang milagro! “Sis, gising na siya. Kailangan mo nang bumalik dito. Bago pa siya makahalata,” saad ni Analyn. “Ano? Gising na si Theodore!?” bulalas ng kakambal nito. “Oo. Kanina lang. Nagulat din ako. Paano ‘to? Nanghihina pa siya ngayon. Pero paano sa mga susunod na araw? Bumalik ka na bago niya pa ako mahalata,” nag-aalalang saad ni Analyn. “Tangina naman oh! Bakit nagising pa siya? Ang tibay naman ng matandang iyan at hindi pa natulayan!” banas na saad ng kambal nitong ikinatigil ni Analyn. “A-anong sinabi mo? Sinasabi mo bang mas maganda sana kung natuluyan na siya?” pangungumpirmang tanong ni Analyn dito. “Of course, Analyn. Dapat lang naman na namatay na sana siya. Sa lala ng natamo niya, nabuhay pa siya? Bwisit naman oh! Hindi pa natuluyan ang matandang iyan!” “Anna!” madiing sikmat ni Analyn sa kambal nito. “Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo! Si Sir Theodore ang pinag-uusapan natin dito. Makunsensya ka naman. Pinakinabangan mo ‘yong tao. At kailangan ka niya ngayon!” pagalit nito sa kakambal nitong humalakhak lang. “Anong kunsensya? Binibigay ko ang katawan ko sa kanya, Analyn. Pwes, total at hindi pa naman tapos ang tatlong buwang agreement natin. Ikaw na muna ang mag-alaga sa kanya.” Saad ni Annalisa na ikinalunok nito. “After three months, babalik ka naman na ‘di ba?” “I don't know, sis.” “Anna naman. May usapan tayo,” apila ni Analyn dito. “Eh ‘di hiwalayan mo siya after three months. Wala naman siyang magagawa kung iiwanan mo na siya. Mabait si Theo. At maiintindihan ka niya kung iiwanan mo na siya sa sitwasyon niya. Okay?” anito na ikinailing ni Analyn. “Napakasama mo sa taong bumago ng buhay mo. Pera ni Sir Theodore ang nagamit sa pagpapagamot kay Nanay. Pera niya rin ang nagamit sa pagpapaayos ng bahay natin. Pero kung itrato mo siya, para siyang basahan. Matapos mong gamitin ay itatapon mo na lang. Hindi na talaga kita kilala, Anna. Napakasama mo,” pagalit nito na ibinaba na ang linya. Napayuko ito na tahimik na umiyak. Hindi siya makapaniwala na gan’to na kasama ang kakambal niya. Nahihiya siya, nakukunsensya at naaawa kay Theodore. Akala niya ay nagbakasyon lang si Annalisa abroad. ‘Yon pala ay sumama ito sa ibang lalake. At ngayon ay wala na itong planong bumalik ng bansa. Kung kailan kailangan siya ni Theodore ay umalis ito at sumama sa iba. Nagpahid ito ng luha na ilang beses huminga ng malalim para kalmahin ang sarili. Nang mas kalmado na ang t***k ng puso nito ay bumalik na siya ng silid. Mapait itong napangiti na napatitig kay Theodore na nahihimbing sa kama. Muling kinakain ng kunsensya ito na nakikita ang itsura ni Theodore. Wala itong pamilyang mag-aalaga sa kanya. At ‘yong taong inaasahan niyang mag-aalaga sa kanya, hayon at sumama sa ibang lalake. Lumapit itong naupo sa silya katabi si Theodore at ginagap ang kamay nito. “I'm sorry, Sir. Hayaan mo. Aalagaan kita at tutulungang makabangon. Kapag kaya mo na ang sarili mo? Saka kita iiwan. Patawarin mo ako. Kung lolokihin kita at magpapanggap bilang si Annalisa. Magtatapat din naman ako sa'yo. Pero saka na. Kapag kaya mo na ang sarili mo at hindi mo na ako kailangan.” Piping usal nito na marahang pinipisil-pisil ang kamay ni Theodore. NAKAIDLIP si Analyn sa tabi ni Theodore habang nakaupo ito ng silya at hawak ang kamay nito. Sakto namang nagising muli si Theodore na napangiting makagisnan ang nobya na nasa tabi nito at nahihimbing. Napatitig ito sa dalaga. Ngayon niya lang kasi napansin na wala itong maski anong suot na alahas. Hindi rin makapal ang makeup nito at simpleng white long dress lang ang suot nito. Madalas ay sexy, revealing at supistikada ang nobya nito na may mga suot ding accessories sa katawan. Pero ngayon ay para itong ibang tao sa paningin niya. Pero aminado siyang mas nagagandahan siya ngayon sa dalaga dahil simple lang ang ayos nito. Kitang-kita ang natural nitong ganda. "Umitim yata siya," usal nito na marahang hinaplos sa pisngi ang dalaga. Napangiti ito na inabot itong hinagkan sa noo. Akala niya ay pera lang niya ang habol ng dalaga sa kanya. Dahil wala naman itong ibang inaatupag kundi mag-shopping, mag-travel at magtungo sa mga Bar kasama ang mga kaibigan nito. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na may mga kinaka-fling ang nobya niya. Pero dahil alam niya ang layo ng agwat ng edad nila at adventurous ito, hindi na bago sa kanya na maghanap ng iba si Annalisa. Mahal na mahal niya ang dalaga. Kaya kung anong gusto nito at hingin sa kanya ay buong pagmamahal niyang ipinagkakaloob sa dalaga. Lalo na't nakikita naman nitong napakasaya ni Anna sa tuwing naibibigay niya ang mga gusto nito. Akala niya ay iniwan na siya nito sa nangyari sa kanyang aksidente. Pero nagkamali siya at laking gulat niya na malamang ito pa pala ang personal na nag-aalaga sa kanya habang comatose ito. "Thank you for staying beside me, Anna. You have no idea how happy I am that you're still here, my baby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD