Chapter 4

1608 Words
LUMIPAS ang mga araw at tuluyang nakalabas na ng hospital si Theodore. ‘Yon nga lang ay nakaupo muna ito sa wheelchair at hindi pa fully recovered ang mga binti nitong na-fractured. Ang sabi naman ng doctor nito ay makukuha pa sa gamot at therapy ang mga binti nito. Makakalakad pa ito kung maga-undergo ng therapy session. Pumayag naman si Theodore na magpa-therapy. Dahil nasa tabi nito palagi ang dalaga na pinapalakas ang loob nito. Napapansin ni Theodore ang malaking pagbabago ng kanyang nobya. Pero hindi na lamang niya binibigyan pansin at iniisip na lamang nitong naaawa marahil sa kanya ang dalaga kaya pursigido itong makapaglakad ulit siya. “Where are you going, baby?” tanong ni Theodore dito nang akmang lalabas ito ng silid. “Uhm, magpapahinga na sana ako. May kailangan ka pa ba, Daddy?” sagot ni Analyn na lumapit dito. “A-ayaw mo bang magtabi tayo?” tanong ni Theodore dito na napalunok. Bumilis ang t***k ng puso ni Analyn na hindi kaagad nakaimik. Alam naman niyang may namamagitan na kay Theodore at kakambal niya. Pero hindi nabanggit ni Annalisa sa kanya kung nagtatabi ba sila sa kama nito dito sa mansion niya. Alanganin itong ngumiti na naupo sa gilid ng kama at matiim na nakatitig sa kanya si Theodore. “Uhm, gusto mo bang dito ako matulog, Daddy?” tanong ni Analyn dito. “Hindi ba't nagtatabi naman tayong matulog? Ayaw mo na ba akong tabihan ngayon dahil baldado ako?” nagtatampong tanong ni Theodore dito na napalunok. “H-hindi naman sa gano'n, Daddy. Baka lang kasi magalaw ko ang binti mo,” alibi ni Analyn dito na ngumiting ginagap ang kamay nito. “Sleep with me, baby. Namimis na kitang kayakap sa pagtulog eh,” paglalambing nito na pilit ikinangiti ni Analyn dito. “S-sige. Kung ‘yan ang gusto mo,” sagot ni Analyn na umayos ng higa sa tabi nito. MALALIM na ang gabi pero hindi pa rin dalawin ng antok si Theodore. Damang-dama kasi nito na may kakaiba sa nobya niya. Naging maasikaso nga ito sa kanya. Pero hindi na ito clingy o naglalambing sa kanya. Ni hindi sila naghahalikan sa mga labi. Dama niyang sincere ang pag-aalaga sa kanya ng dalaga. Pero dama rin niyang may nag-iba dito. Isa na roon ang pananamit at kilos nito. Hindi na kasi ito sexy o revealing manamit. Kahit sa make-up ay simple lang kung mag-make-up ito. Wala din siyang nakikitang sinusuot na accessories nito. Na tila hindi ito sanay magsuot ng mga alahas. Katulad na lamang ngayon. Magkatabi nga sila sa kama pero nakatalikod sa kanya ang dalaga. Na dati-rati naman ay nakasiksik sa kanya at sanay na naghuhubad sa harapan niya lalo na kung matutulog na silang dalawa. Pansin din niyang hindi na ito umiinom lalo na ang manigarilyo. Bagay na ikinatutuwa nito dahil nakikinig na sa kanya ang dalaga na iwasan na ang mga bisyo nitong pag-inom lalo na ang paninigarilyo. Isa na lang ang problema niya sa mga napapansin niyang pagbabago ng nobya. At iyon ay ang pagiging malamig nito sa kanya. "Naaawa lang ba siya sa akin kaya nandidito pa rin siya? Nandidiri na kaya siya sa akin dahil sa nangyari sa akin?" usal nito na nakamata sa dalagang nahihimbing na nakatalikod sa kanya. Napailing ito na napahilot sa sentido. Kanina niya pinipilit matulog pero hindi siya dalawin ng antok. Ang daming bagay na tumatakbo sa isipan nito. Idagdag pa ang kalagayan niya na aabutin ng ilang buwan bago siya muling makalakad ng maayos. Ayaw niyang mahirapan ang dalaga sa pag-aalaga sa kanya. Kaya kahit ayaw niya ay pinilit niyang magpa-undergo ng therapy para makalakad na siya at hindi na kailangang alagaan ng nobya nito. "Damn, Theo. Hindi ba’t you're expecting it before? Na iiwan ka rin niya pagdating ng araw. Siguro hinihintay niya lang na makabawi-bawi ako ng lakas bago siya aalis. Hindi na nga ako magugulat kung isang umaga paggising ko. . . wala ka na sa tabi ko,” usal nito na nakamata sa dalagang nakatalikod sa kanya. Napahinga ito ng malalim na gustong gustong yakapin ang dalaga pero nag-aalangan ito. Kita niya kasi kanina na naiilang itong tumabi sa kanya sa pagtulog. Mahal na mahal niya ang dalaga. Kaya kahit alam niyang pera lang niya ang gusto ni Annalisa sa kanya, malugod niyang ibinibigay ang lahat ng gusto nito. Pero dahil sa nangyari sa kanya, nakikinita na niyang malapit ng dumating ang araw na kinakatakutan niya. Ang pag-iwan sa kanya ng dalagang labis niyang minamahal. Kinabukasan ay naunang bumangon si Analyn kay Theodore. Napangiti ito na makagisnan ang binata na nahihimbing sa tabi niya. "Don't worry, Sir. Kakausapin ko po si Annalisa at ibabalik siya dito bago ako aalis," piping usal nito na napahaplos sa ulo ng binata bago lumabas ng silid. Habang pababa ng hagdanan ay napapagala ito ng paningin sa kabuoan ng mansion ni Theodore. Kung tutuusin ay buhay reyna na dito ang kakambal niya. May mga katulong din na nakahandang paglingkuran sila. Lahat ng naisin nito ay ipinagkakaloob ni Theodore. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit iniwan pa ito ni Annalisa at ipinagpalit sa ibang lalake. Mukha namang matinong lalake si Theodore. Hindi rin ito hayok sa laman na namimilit sa kama. Marunong itong makiramdam at rumespeto. Dama din niyang mabuti itong tao. Kaya naman kinakain ito ng kunsensya niya sa ginagawa nila kay Theodore. Iniwan ito ng kakambal niya at sumama sa ibang lalake. Habang siya, nagpabayad siya sa kakambal niya para magpanggap na siya si Annalisa. Pareho nilang niloloko si Theodore. Ang kaibahan lang ay hindi niya gusto na lokohin ito. Habang si Annalisa? Ni walang pakialam sa binata. Kahit si Theodore na ang nag-ahon sa kanya sa kahirapan. "Magandang umaga po, Ma'am Anna!" panabay na pagbati ng mga katulong sa dining room na ikinangiti nito. "Magandang umaga din po," sagot ni Analyn na ikinagulat ng mga itong nagkatinginan sa isa't-isa. Matagal nang nakatira si Annalisa sa mansion pero ni minsan ay hindi ito naging mabait sa mga katulong. Kaya laking gulat ng mga ito na bumati ang dalaga pabalik sa kanila at ngumiti pa sa kanila! "Uhm, ma'am. Kami na po," pagpigil ng isang katulong sa akmang pagbukas nito sa double door fridge nila. "Okay lang. Turuan niyo na lang ako. Gusto kong ako ang magluto ng agahan namin ni Theo." Nakangiting saad ni Analyn sa mga ito na nagkatinginan sa isa't-isa. Alanganing ngumiti ang mga ito na hinayaan ang dalaga na siyang magluto ng agahan. Nakaalalay naman ang mga ito at kita naman nilang walang ibang nilagay ang dalaga sa pagkain. Ni minsan kasi ay hindi nagluto si Annalisa sa mansion. Puro ito utos at napakamaldita pa. Kaya naninibago sila sa dalaga na napaka alumanay nito at mabait sa kanila. "Ang saya mo yata ngayon, Ma'am Anna. Sana palagi pong maganda ang mood niyo," wika ng isang katulong na ikinalingon ni Analyn dito na napangiti. "Oo nga naman, Ma'am. Akala po namin ay nuknukan kayo ng kasungitan eh. May tinatago din pala kayong kabaitan," saad pa ng isang katulong na sinang-ayunan ng mga kasama nila. Nangingiti naman si Analyn na napailing. "Pasensiya na kayo sa akin ha? Hayaan niyo, magmula ngayon. Hindi ko na kayo susungitan. Kaya hwag na kayong mailang o mahiya sa akin. Ituring niyo na akong. . . bagong kaibigan niyo," nakangiting turan nito na ikinamilog ng mata ng mga katulong! Nagkatinginan pa ang mga ito na bakas ang gulat sa kanilang itsura sa narinig mula sa dalaga! "Talaga po, Ma'am Anna!?" bulalas ng mga ito na mahinang ikinatawa at tango nito. "Oo naman. Mukha ba akong nagbibiro?" natatawang saad nito na ikinairit ng mga katulong at isa-isang nagpakilala dito. MATAPOS makapaghain ng agahan ay bumalik na si Analyn sa silid para gisingin si Theodore. Sakto namang gising na ang binata na nakasandal sa headboard ng kama at halatang bagong gising pa. Pero kahit sabog-sabog pa ang buhok nito ay napakagwapo pa rin nitong tignan. "Good morning!" masiglang pagbati ni Analyn dito na napalingon at napangiti na makita ang dalaga. "Good morning too, baby. Saan ka nanggaling?" tanong nito na nakamata sa dalagang lumapit sa tabi niya. "Pasensiya ka na, Daddy. Naghanda kasi kami ng agahan eh. Nababanyo ka na ba?" sagot ni Analyn dito na tumango. Hindi pa kasi kaya ni Theodore ang sarili kung walang aalalay sa kanya. "Ngayon ko lang yata nalaman na nagluto ka?" wika ni Theodore habang inaalalayan nitong makaupo sa wheelchair nito at dinala ng banyo. "Masanay ka na. Dahil magmula ngayon? Ako na ang maghahanda ng agahan, tanghalian at kahit hapunan natin," sagot ni Analyn na ikinakunot ng noo nito. "You don't have to do it, baby. Ayokong nahihirapan ka." Wika ni Theodore na hinayaan itong punasan siya. "Okay lang 'yon, ano ka ba? Masaya akong pagsilbihan ka. Kahit dito manlang. . . makabawi-bawi ako sa'yo." Saad ni Analyn habang pinupunasan ito. "Baka lang kasi masanay ako, baby." Wika ni Theodore na bakas ang kakaibang lungkot sa boses at mga mata nito. "Problema ba 'yon? Eh 'di masanay ka." "Paano kung iiwan mo na ako? Mahihirapan naman ako niya'n kasi hahanap-hanapin kita," pabirong saad ni Theodore dito na natigilan at unti-unting napalis ang ngiti sa mga labi. Napalunok ito na hindi nakaapuhap ng maisasagot sa binata at tama naman ito. "Hey, nagbibiro lang ako," untag ni Theodore dito kahit nababasa niya sa mga mata ng dalaga ang guilt. Pilit ngumiti si Analyn na ipinagpatuloy na ang pagpunas dito at saka binihisan bago inilabas ng banyo. "We're okay naman 'di ba, baby?" tanong ni Theodore dito habang pababa sila. "Oo naman, Daddy. Saka, tungkol sa sinabi mo kanina. Hwag kang mag-alala. Hindi kita. . . iiwan." "A-anna."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD