Chapter 5

1534 Words
HABANG lumilipas ang mga araw, unti-unting napapalapit si Analyn kay Theodore. Tama ang kakambal nito. Mabait ang binata at kahit malapit na itong mag-fifty, hindi halata sa itsura nito. Lalong lumalabas ang angkin nitong kagwapuhan na gumagaling na ang mga sugat niya sa mukha. Hindi rin matigas ang ulo nito. Kahit nahihirapan siya, patuloy pa rin siya sa pagte-therapy. Nakaalalay naman dito si Analyn. Na buong akala niya ay ang kasintahan niya. Mas nagi-improved na rin ang lagay nito. Nakakatayo na kasi ito na may saklay. Kaya hindi na nahihirapan si Analyn na alagaan ito. Lalo na kapag magbabanyo ang binata. Isang gabi, nagising si Analyn na wala si Theodore sa tabi niya. Napakusot-kusot ito ng mga mata na bumangon ng kama. “Daddy Theo?” pagtawag nito sa binata na sinilip sa may banyo. Napanguso ito na masilip na wala doon si Theodore. “Nasaan siya?” usal nito na napalinga sa paligid. Lalabas na sana ito ng silid nang mahagip ng paningin niya ang bulto ng binata na nasa balcony. Napalunok ito na kinabahan na makitang umiinom ito ng alak at malayo ang tanaw ng mga mata. Dahan-dahan itong lumapit sa gawi ni Theodore na inaaral ang binata. Bakas ang kakaibang lungkot sa mga mata nito na nakamata sa malayo. Tila may pinangungulilahan ang mga iyon na ikinakakaba nito. Lakas loob itong lumapit na niyakap sa baywang ang binata mula sa likuran. Naramdaman ito ni Theodore na hinaplos ang kamay nitong nakapulupot sa baywang niya. “Bakit umiinom ka? Bawal kang uminom ah,” mahinang saad nito na napatingala sa binata. Pumihit paharap si Theodore dito na pilit ngumiting matiim siyang tinitigan. “What are you doing here?” mahinang tanong nito na tila may ibang ibig ipahiwatig. Napalunok si Analyn na binundol ng kaba. “A-anong ibig mong sabihin?” utal nitong tanong. Ilang segundo siyang tinitigan ng binata na napailing at ngumiting tumungga sa alak na hawak nito. “I mean, why you're still awake, baby?” sagot nito na ikinahinga ng maluwag ni Analyn. “Uhm, naramdaman ko kasing wala ka eh. Kaya nagising ako. Ikaw, bakit gising ka pa, Daddy?” balik tanong ni Analyn dito. “May iniisip lang.” “Babae?” Natawa itong napailing na ibinaba ang hawak na alak at niyakap ang dalagang napasinghap! Bumilis ang t***k ng puso ni Analyn na hindi nakaimik sa pagyakap sa kanya ni Theodore. “What if I said yes? Magagalit ka ba?” nanunudyong tanong nito. Nakabusangot ang dalaga na tiningala itong ikinamilog ng kanyang mga mata na. . . sinalubong ni Theodore ang kanyang mga labi! Natawa si Theodore na hindi ito nakakilos at namimilog ang mga mata sa biglaang paghalik niya dito! “What's wrong, baby? Why you're acting like it's your first time, hmm?” tudyo nito na ikinagapang ng init sa pisngi ni Analyn. “H-hindi naman sa gano'n, Daddy. Nabigla lang ako. Nanggugulat ka eh,” nauutal nitong sagot na ikinangiti ni Theodore. Napalunok ito na umangat ang kamay ng binata na sumapo sa kanyang pisngi na marahang hinaplos iyon. Para siyang malulusaw sa tiim ng pagkakatitig sa kanya ni Theodore na ibang-iba ang kinang sa mga mata nito. “You’ve changed, my baby.” Saad nito. “H-ha?” “But I love this new version of you,” saad nito na niyakap itong napalunok. “Salamat, Anna. Hindi mo ako iniiwan kahit gan'to na ako. Napapaisip tuloy ako kung. . . kung anong nagawa kong mabuti para ibigay ka sa akin ng Panginoon,” wika nito na marahang hinahaplos sa likod ang dalaga. Napangiti si Analyn na kusang umangat ang mga kamay nitong yumakap sa binata na natigilan at napalunok. “Siguro kasi mabuting tao ka, Theo. Hindi naman pwedeng ikaw lang ‘yong palaging nagbibigay at nagpapasaya sa mga tao sa paligid mo. You deserve to be happy and to be loved too, Theo. At masaya akong. . . maging parte ng buhay mo,” saad ni Analyn na ikinangiti nitong mas niyakap pa ang dalaga. “I was just thinking. . . if you want to stay beside me until last, Anna. Because if you want to stay with me, I think. . . we should get married. What do you think of it?” tanong ni Theodore na ikinabundol ng kaba sa dibdib nito na natigilan! “K-kasal?” utal nitong tanong na dahan-dahang kumalas sa binata na ngumiting tumango dito. “Yeah. Only if you want too, baby. I won't pressured you. Alam ko naman ang layo ng agwat ng edad natin. Kung gusto mo lang naman na maging asawa ko, Anna. Gusto ko kasing. . . iparanas sa'yo ang kasal na pinapangarap mo. At kung nanaisin mong maging groom ako, ako na ang pinakamasayang lalake sa mundo.” Madamdaming saad ni Theodore dito na nangilid ang luha at hindi malaman ang isasagot. Nakatitiyak kasi itong walang planong magpakasal ni Annalisa kay Theodore. At kapag natapos na ang tatlong buwan nilang usapan ni Annalisa, iiwan na niya ang binata. Ayaw niyang mabigo ito lalo na't bakas ang pangungusap sa mga mata nito habang matiim na nakatitig sa kanya. Mapait itong napangiti na kinuha ang kamay ni Theodore at marahang pinipisil-pisil iyon. “Masaya ako na marinig mula sa'yo na may plano ka ring pakasalan ako. Pero sa ngayon. . . gusto kong magpagaling ka muna, Daddy. Gusto kong makitang manumbalik ka sa dating ikaw. ‘Yong hindi mo na kailangan ang mga saklay na ito para makatayo at makalakad ka. Ang kalusugan mo na muna ang unahin natin, hmm? Kapag malakas ka na at magaling. Saka natin pag-usapan ang kasal na sinasabi mo. Dahil gusto ko. . . gumaling ka na.” Saad ni Analyn dito na ngumiting tumango-tango. “Sige. I'll do that. Pagbubutihan ko pa para mas mapabilis ang paggaling ng mga binti ko. Para hindi na ikaw ang umaalalay at nag-aalaga sa akin. Kundi ako na. . . ang aalalay at mag-aalaga sa'yo, baby.” Sagot nito na mariing hinagkan sa noo ang dalaga bago mahigpit na niyakap. Mapait na napangiti si Analyn na niyakap din ito pabalik. Napapikit ito na tuluyang tumulo ang luha habang nakakulong sa mainit na bisig ni Theodore. “Ang swerte mo, Anna. Dahil may isang Theodore na nagmamahal sa'yo. Pero bakit hindi mo siya magawang mahalin pabalik? Napakasama mo sa kanya. Sana. . . sana ako na lang ang mahal niya. Dahil kayang-kaya ko rin siyang mahalin na walang hinihinging material na bagay na kapalit.” Piping usal nito na naiisip ang kakambal niyang nasa abroad kasama ang ibang lalake. LUMIPAS ang mga araw at linggo. Saktong dalawang buwan na ni Analyn sa poder ni Theodore. Naging mabilis din ang paggaling nito. Kung dati ay may dalawang saklay itong ginagamit para makalakad? Ngayon ay tungkod na lamang ang gamit nito dahil paika-ika pa rin siyang maglakad. Naging malapit din si Analyn sa mga tao sa mansion lalo na sa mga katulong. Nakasanayan na nga ng mga ito na si Analyn ang umaasikaso kay Theodore. Mula sa mga isusuot nito, kinakain at mga gagamitin sa araw-araw. "Nay, kumusta na po kayo d'yan?" tanong nito habang kausap sa cellphone ang ina nito sa probinsya. "Maayos naman ako dito, anak. Hwag mo akong alalahanin. Ikaw nga itong inaalala ko eh. Kumusta ka na d'yan?" balik tanong ng ina nito na ikinangiti ni Analyn. "Maayos naman po, Nay. Kasundo ko lahat ng mga nandito. Ngayon pa nga lang eh mahihirapan na ako nito. Kasi naman. . . napamahal na silang lahat sa akin." Mababang saad nito na mapait na napangiti. "Kahit si Sir Theodore?" Napalunok ito na namuo ang luhang napasulyap sa binatang nahihimbing sa kama. "Lalo na po siya, Nay. Kung makikilala mo lang siya, maiintindihan mo po ako. Napakabait niya po. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit niloloko siya ni Annalisa," maluha-luhang saad nito na napabuga ng hangin sa paninikip ng kanyang dibdib. Dinig niyang napahinga ng malalim ang kanyang ina mula sa kabilang linya. "Sinabihan na kita, 'di ba? Hindi mo siya pag-aari, Analyn. Kay Annalisa si Sir Theodore. Masasaktan ka lang, anak ko. Kapag nalaman niya na hindi naman ikaw si Annalisa, sa tingin mo ba ay magiging mabait pa siya sa'yo?" pagpapayo ng kanyang ina na ikinatulo ng luha nitong napayuko. Namigat ang dibdib nito na hinayaan lang tumulo ang luha. "Pinigilan ko naman po, Nay. Dahil alam kong mali at masasaktan lang ako sa bandang huli. Pero kasi. . . ang hirap-hirap po, Nay. M-mahal ko na siya." Mababang saad nito na napahagulhol. "Iniwan naman na siya ni Anna. Hindi po ba pwedeng. . . akin na lang siya?" Napahinga ng malalim ang ina nito na naiintindihan ang anak niya. Pero nag-aalala ito dahil alam niyang magagalit si Theodore kapag nagkabistuhan na. "Ang tanong, anak. Tatanggapin ka ba niya? Mamahalin ka kaya niya? Anak, alalahanin mo. Niloloko mo siya. Nagpapanggap kang si Annalisa. At si Annalisa ang mahal niya, anak. Hindi ikaw. Bago pa mas lumalim ang nadarama mo kay Sir Theodore, magpaalam ka na. Umuwi ka na dito, Analyn. Iwanan mo na siya." Mababang saad ng ina nitong ikinayuko nitong napahagulhol. "N-nay, hindi ko kaya. H-hindi ko na siya kayang. . . pakawalan pa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD