PALAKAD-LAKAD si Theodore sa harapan ng emergency room kung saan inaasikaso si Analyn at wala pa rin itong malay! Hindi ito mapakali na puno ng pangamba ang dibdib nito sa kalagayan ni Analyn! Hindi kaagad naka-reply si Analyn sa message niya kanina kaya hindi ito mapakali lalo na't iba ang nagpaparamdam sa kanya. Tila may boses na nag-uudyok sa kanya na silipin ito sa opisina at gano'n na lamang ang gulat niya na nagkakagulo sa opisina nila Analyn! Laking gulat niya na makita si Analyn na hinang-hina at nabasa ang dress nito ng kape na nagmantya sa damit nito. Hindi niya pa alam ang buong pangyayari pero iba ang nagpaparamdam sa kanya. Na tila may nag-uudyok sa kanyang alamin iyon! Pero sa ngayon, ang focus nito ay si Analyn. Nag-aalala ito kung bakit nawalan ng malay ang asawa niya.

