NANGINGITI si Analyn habang pinapanood si Theodore na nagluluto sa sinigang na hipon na gusto nitong kainin. Sarap na sarap ito sa kinakaing hilaw na mangga at sinasawsaw sa sweet and spicy na alamang na binili nila kanina sa palengke. Naglalambing kasi ito kanina kay Theodore na siya ang magluto at malugod namang pinagbigyan nito ang asawa. Napapasipol pa ito habang nagluluto at nakalarawan ang saya sa gwapong mukha. “Masarap ba, baby?” tanong nito habang hinihintay maluto ang sinigang na niluluto nito. Tumango-tango si Analyn na nagsawsaw ng mangga sa alamang at iniumang sa bibig ni Theodore. Kahit hindi nito gusto ang amoy ng alamang ay walang alinlangang tinanggap ang isinubo sa kanya ni Analyn at napangiting malasahang masarap naman ito! Bumagay ang sweet and spicy na lasa ng al

