KINABUKASAN ay pinayagan pa rin ni Theodore na pumasok ng opisina si Analyn pero panay ang habilin nito sa asawa. Naiintindihan naman ito ni Analyn at maging siya, hindi na makakapayag may makapanakit ulit sa kanya. Lalo na ngayon na alam na nilang nagdadalangtao na siya. Pagpasok niya ng opisina, lihim itong napangiti na bago na ang desk at swivel chair nito. Mas malaki ang espasyo ng table niya at mas maganda pa kaysa sa naunang ipinagawa ni Theodore pero inagaw ni Rita. Maaga ito kaya wala pa ang mga kasamahan niya sa opisina. Kaagad nitong sinubukang umupo sa swivel chair nito na napangiting napasandal at ang komportable nitong upuan. Napakalambot nito sa pwet at likod na halatang bagong-bago pa. “Good morning, ma'am. Special delivery,” malambing saad ng boses babae na ikinadilat

