MABILIS lumipas ang mga araw at linggo. Katulad ng napag-usapan ni Theodore at Analyn, hindi na ito pumasok ng kumpanya para matutukan ang pregnancy nito. Maging si Theodore ay sa mansion na rin nagtatrabaho at naging maselan na ang pagbubuntis ni Analyn sa mga sumunod na linggo. Naging sensitive na rin ito sa panlasa at pang-amoy. Palagi din nitong hinahanap si Theodore kaya hindi na ito pumapasok ng kumpanya at nagwo-work from home na lamang. "Baby, kumain ka na muna." Wika ni Theodore na may dalang meryenda sa asawa. Nakangusong nilingon ni Analyn ang asawa nitong matamis na nakangiti sa kanya na may dalang bananaque katulad ng nais nitong kainin. Napatayo si Analyn mula sa swivel chair nito na nagniningning ang mga matang makita ang dala ni Theodore! Tinatamad kasi itong lumaba

