NANGINGITI si Analyn habang marahang hinahaplos ang maliit na umbok sa puson nito. Damang-dama niya ang pintig no'n na heart beat ng kanilang anak ni Theodore. Pagkatapos ipakilala ni Theodore ito sa publiko bilang asawa, nagtungo ang mag-asawa sa Japan para magbakasyon na muna. Hindi naman umangal si Analyn dahil aminado itong na-stressed siya sa nangyaring pagkawala ng mga disenyo niya na halos isang buwan din niyang pinaghirapan iguhit. “Can't sleep, baby?” malambing tanong ni Theodore na sumulpot sa likuran nito at niyakap ito mula sa likuran. Napangiti lalo si Analyn na isinandal ang katawan sa malapad nitong dibdib. Ipinulupot naman ni Theodore ang dalawang braso sa tyan nito na sumubsob sa balikat ng asawa nito. “Hindi pa kami dalawin ng antok ni baby, Daddy. Ikaw? Hindi ka

