CHAPTER 47 "Ma, aalis lang muna ako, may kailangan lang akong puntahan."Paalam ko kay Mama at mabilis na akong tumayo. Hindi ko na siya pinagsalita pa dahil tuluyan na ring akong umalis agad. Nang pasakay na ko sa motor ko ay sakto naman na nag-ring ang cellphone ko. Sa pag aakala na si Chaze yun kaya mabilis kong kinuha sa bulsa ko ang phone ko pero nang makita ko na si Tine ang tumatawag ay parang nanghina ako. Mukhang wala talaga siyang balak na tawagan ako at naiinis na talaga ako sa part na 'yun. Sinagot ko na lang ang tawag ni Tine. "Hello?"Pa unang bati ko. [L.A, may lakad ang barkada ngayon sa bar ni Avah, alam naman namin na busy ka ngayon kasi ang sabi ni Jenny ay may pinuntahan ka raw na meeting kasama si Tita. So, nag babakasakali lang naman kami na hindi ka na busy nga

