CHAPTER 46 KASALUKUYAN lang na nandito kami ni Mama sa isang restaurant, as usual napilit niya akong sumama dito sa lakad namin ngayon na nabanggit niya kagabi. Siguraduhin lang ni Mama na hindi yung lalaking 'yun ang ime-meet nami ngayon dahil kahit tatay ko pa yun ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masuntok ko siya. "Ma just tell me kung sino ba talaga ang ime-meet natin ngayon not to waste my time,"sabi ko at pinahalata ko talaga kay Mama na wala akong gana dito sa lakad namin dahil wala naman talaga akong gana. Nasa school dapat ako ngayon ehh. Hayyys. Ganito yung mga araw na gusto ko na lang pumasok kaysa ang nakaupo ako dito at hinihintay yung ime-meet daw namin na hindi naman binabanggit sa akin ni Mama Mag sasalita pa lang sana si Mama ng mapatingin siya sa isang par

