CHAPTER 54 Nandito lang ako sa labas ng kwarto ni Chaze habang naka upo. Sinabi kasi nang nurse kanina na kailangan na raw munang magpa hinga si Chaze para mapadali ang recovery niya. Wala naman akong nagawa tungkol do'n kaya tuluyan na akong lumabas pero nanatili pa rin ako doon dahil wala pa akong gana na umuwi. Hanggang sa ilang minuto pa ang lumipas ay nakita ko na si Nazelle na papalapit sa'kin. Nakasuot siya ngayon ng uniform namin at halatang papasok na siya ng school. Ngumiti ako sa kanya nang makita ko siya dahil ayokong mag alala siya sa akin... ngumiti rin naman siya pabalik pero halata mong malungkot yung ngiti na yun. Lumapit siya sa'kin at umupo sa tabi ko. "Kumusta? Okay ka lang ba?"Agad na tanong niya. "Hmm okay lang naman ako."Simpleng sagot ko. Bigla niya kong niya

