CHAPTER 55 "Hoy, hindi na naman maipinta yang mukha mo."Pansin ni Nazelle sa akin, kasalukuyan lang na nandito kami sa may ground area ng school. Mamaya na kasi ang alis namin para sa fieldtrip at hinihintay na lang namin yung mga bus. "Ehh pano naman kasi na hindi sisimangot yan, eh yingnan mo nga yun,"wika naman ni Avah at biglang ngumuso siya para maituro yung tinutukoy niya. Nag tinginan naman sila doon habang ako naman ay hindi tumingin kasi kanina ko pa yun nakikita kaya nga badtrip ako ehh. "Ahh kaya naman pala ehh."Saad naman ni Tine. "Ehh Prinsesa, sinetch ba yun?"Tanong ni Kaye. Tinitingnan lang naman nila ngayon si Chaze at si Yvonne habang nakaupo sa isang bench nitong open ground ng school. Hindi bagay sa kanya ang name na Yvonne, mas bagay na itawag sa kanya ay lin

