CHAPTER 35 LYNDON's POV Sobrang saya ko kasi matapos nang sobrang tagal na panahon na hindi namin pagkikita ay nagkita na ulit kami. Nakauwi na ko dito sa Pilipinas na matagal ko nang gustong gawin at nahanap ko siya. Siya ang dahilan kung bakit nag pumilit ako kay Dad na umuwi na dito sa Pilipinas. Ang tanging babae na nag dala ng puso ko sa sobrang matagal na panahon... babaeng naiwan sa nakaraan ko kasama ng puso ko at hindi ko nadala nu'ng pag alis ko. Akala ko nu'ng bata ako simpleng pag hanga lang ang nararamdaman ko para sa kanya pero napatunayan kong hindi na yun pag hanga lang dahil habang tumatagal ay siya lang talaga ang sinisigaw ng puso ko. Siya ang babaeng gustong gusto ko simula nung bata pa lang kami-- siya si Lorraine Athena Vargaz. Kinatatakutan siya ng karami

