CHAPTER 34 Nakasakay lang ako ngayon dito sa TAXI kasi hindi na ako naihatid pa ni Chaze kasi may lakad daw siya ngayon. Edi ba nga, naglakad lang naman kami kaninang umaga kaya ayan tuloy... pagco-commute ang kinabagsakan ko ngayon. Ang dami-dami talaga nang arte ng lalaking 'yun, imbis na uuwi ako nang naka motor-- nakapag commute pa ako ng wala sa oras. By the way, kaya hindi niya ako maihahatid ay dahil may usapan ata sila ni Marcus na magkikita sila ngayon. Hindi ko na pinakialaman pa ang lakad niya dahil ano bang pakialam ko di ba? Patay na patay ang lalaking 'yun sa akin kaya malabong mambabae 'yun. Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa bahay namin. Nagbayad lang ako kay Manong Driver nang pamasahe saka bumaba na ng TAXI. Pagkababa ko ay napansin ko agad na may isang lalaki na

