CHAPTER 58 Tumakbo lang ako nang tumakbo, ang tanging gusto ko lang gawin ay ang makalayo kay Chaze kaya lang hindi pa man ako nagtatagal sa pagtakbo ay may humawak sa braso ko kaya awtomatikong napa tigil ako. Pag lingon ko at nang makita ko kung sino yun ay hindi na ako nag dalawang isip na yakapin siya. Mahigpit ang ginawa kong pag yakap sa kaniya at doon na ako muling umiyak sa balikat niya. "Iiyak mo lang yan Atheng,"sabi ni Lyndon habang hinihimas niya ang likod ko. "Mali ba ko ng naging desisyon Lyndon?"Tanong ko habang patuloy pa rin ang pag iyak ko. Niyaya niya aki na maupo dito sa may bakanteng kubo na malayo doon sa kubo kung nasaan kami kanina. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. "Atheng, tama na. Hindi maganda yang pag iyak mo."Mahinang sabi niya. "Lyndon, di ko na alam

