DISCLAIMER / SIMULA
DISCLAIMER
Read this before proceeding to the actual story.
This novel is a work of fiction. Unless otherwise indicated all the names or characters, businesses or places, events or incidents, are fictitious. This story is the product of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This is my first ever story so please bear with me. Thank you! :)
This story includes strong language and also this might include profanities, violence, self-harm, explicit scenes, and a***e. If you are sensitive to this kind of topics, please do not proceed.
Read at your own risk.
SIMULA
Limang taon na ang nakaraan ng idineklara ang magkabiyak, si Augustin at Amelia. Tumutol ang lahat ngunit anong magagawa ng sabi-sabi ng mga mamamayan kung nagbaba na ng huling salita si Don Griyego ang pinakamataas na Heneral sa San Vicente. Kunot na kunot ang noo ni Donya Felicidad sa naging desisyon ng kaniyang asawang si Don Griyego sa pagiisang dibdib ng dalawa. Hindi niya gustong ipakasal ang kaniyang anak-anakan na si Augustin sa isang Aliping ipinagbili lamang sa kanila upang maging Alila. Tila lahat ay nagulat sa anunsyong naganap sa Bayan.
‘Kasalan Sa Simbahan ng Ginoong si Augustin at Binibining si Amelia. Gaganapin sa simbahan ng Santuario de San Vicente.’
Araw ‘yon ng Huwebes ika-dalawang pu’t walo ng Agosto. Ang kasalan ay magaganap sa ikalabing-dalawa ng Septyembre araw ng Biyernes.
Usap-usapan sa bayan ang Kaganapan sa nayon. Lahat nagulantang.
Walang araw na hindi pinaghahandaan ng bawat-isa ang kasalang magaganap.
Kaniya-kaniyang balot ng regalo at naghihintay sa paghahatid ng mensahe ng kartero.
Upang sa Sulat Pagaanyaya.