"Quarter Finals na" masayang sabi ni Anne, sila ngayon ay nasa hotel room pa nila. "Ito na nga pala yung mga relos nyo" sabi ni Shane habang ibinabalik na ang mga hiniram nyang relos sa mga kaibigan. "Pati kami meron na... sa wakas" masayang sabi ni Phoebe dahil inabutan rin sila ni Shane nang relos. "Pati ako" masayang sabi ni Ojin na nakatingin sa kanya. "Anong ginawa mo Shane?" tanong ni Kier dahil may kasamang papel ang relos nang inabot nya ang sa kanya. "Dinagdagan ko ang mga sandata, tayong lahat ngayon ay may tatlong transformation na nang sandata at lahat ay magsisimula sa isang bo staff" paliwanag ni Shane nang may maiwan na relos sa kanya. "Si Sherwin?" tanong nito dahil itim na relos yung naiwan bago may kumatok sa may pinto. "Sinundo sya kanina nang kanyang nanay at sin

