"Kamusta sya Ojin?" tanong ni Nick nang matapos si Ojin sa pagtingin kay Sherwin. "Ayos lang sya, pahinga lang ang kailangan nya" sabi ni Ojin bago bumangon si Sherwin. "Pahinga?" nagtatakang sabi ni Robert na nakatingin kay Sherwin. "Sherwin? Mahiga ka muna para makabawi ka nang lakas" sabi ni Ojin na lumapit ulit kay Sherwin. "Ayos lang ako Ojin, parang nakabawi na ko nang lakas" sabi ni Sherwin na nanatiling nakaupo at nanood nang laban. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Anong ginawa mo Fatmal, sa ginawa mo parang sumusuko na ang buong grupo natin" sabi nang isang lalake. "Oo nga naman, ikaw ang pinuno namin" sabi ni Yusuf. "Kaya hahayaan ko nalang na mamatay ang aking anak? Siguradong ganon din

