"Sherwin, gusto mong luma...Aaaahhh" sigaw ni Anne na sumilip sa kwarto nang mga lalake kaso nagbibihis ang mga ito kaya sinarado nya ito agad. "Hindi ka pa ba kuntento sa nakita mo kahapon?" natatawang tanong ni Jen na nakatingin kay Anne. Silang tatlo nila Phoebe at Elizabeth ay nakitulog sa kwarto nang mga babae. "Hindi mo rin naman masisisi si Anne ang ganda nang katawan ni Sherwin" sabi ni Elizabeth bago lumabas si Robert. "Hindi ka ba marunong kumatok?" sabi ni Robert na nakabihis na. "Pasensya na, hindi rin naman kasi kayo marunong mag-lock" sabi ni Anne na inirapan si Robert bago ito naglakad palapit sa ibang babae. "Wala na si Sherwin, lumabas na kanina pa" sabi ni Robert na sumunod kay Anne. "San sya nag-punta?" tanong ni Aira. "Maglilibot daw muna dahil mamayang hapon pa

