Demon Child (Part 2)

1835 Words
Lumipas ang tatlong taon nang mapayapa kahit na paminsan-minsan ay lumulusob ang mga halimaw. At dahil huminto rin sa pagsasanay nang Fatality si Drake ay nakalimutan na ang araw na nakita ang Demon Child at sinabi nalang na baka namalikmata ang nakakita. Sila Drake at Reign naman ay lalong naging malapit sa isa't-isa at ngayon ay naghahanda na para sa kanilang nalalapit na kasal. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Hindi ko inaasahan na ikakasal ka na, dati rati ay lagi ka pang nadarapa pero ngayon ay kaya mo nang tumayo sa sarili mong mga paa" sabi nang nanay ni Drake na nakatingin kay Reign, sila ngayon ay nasa Forest Castle upang personal na imbitahan ang mga magulang at mga kababata ni Drake. "Nay!" nahihiyang sabi ni Drake bago sila nagtawanan. "Ang swerte mo Drake" bulong ni Naht sa katabi. "Hindi ka pwedeng mawala, ikaw ang best man ko" sabi ni Drake sa katabi. "Syempre hindi ko ata palalampasin ang kasal nang aking bestfried" sabi ni Naht. "Bakit ganon sya makatingin?" sabi ni Reign kay Drake na nakatingin kay Lian na nakatingin nang masama sa kanya. "Huwag mo nalang sya pansinin" sabi ni Worp na narinig si Reign. "Oo nga, nag seselos lang yon dahil hindi sya ang pakakasalan ni Drake" sabi ni Mach bago sila muling tumawa. "Mga halimaw!" sigaw nang isang lalake sa labas na naging dahilan nang pagkakagulo sa labas. "Dito lang kayo nang prinsesa" sabi nang tatay ni Drake sa kanya bago ito lumabas kasama ang iba. "Pero pwede po kaming tumulong" sabi ni Reign na nagprotesta din. "Hindi na, dyan lang kayo" sabi ni Lian na hindi man lang sila tinignan. "Tama si Lian, pangit tignan ang isang groom o bride na sugatan habang ikinakasal" sabi ni Naht. "Pero" sabi ni Drake. "Kami nang bahala" sabi ni Mabe bago sila tumakbo sa magkakaibang direksyon. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Pagkalipas nang ilang minuto... "Tara, tumulong tayo" yaya ni Reign dahil nahihilo na ito kay Drake na kanina pa paikot-ikot sa kubo. "Tara" sang-ayon ni Drake na dumiretso na sa pinto nang may biglang tumama sa malapit na puno na nasira dahil sa lakas nang pagkakatama. "Ano yon?" tanong ni Reign nang makalapit ito. "Tay!" sigaw ni Drake na tumakbo papunta sa lalake nang makilala ito sa tabi nang bumagsak na puno. "Drake sandali lang" sabi ni Reign na sumunod kaso... "TAKBO NA... NATALO ANG LAHAT NANG MGA TAGAPAGMANA!" sigaw nang isang babaeng may kasamang mga bata na tumatakbo palayo sa pagitan nang dalawa. "Natalo!" gulat na sabi ni Drake na natigilan. "Drake" narinig nyang sabi nang isang lalake. "Tay" sabi ni Drake na lumapit sa duguang lalake. "Umalis... na... ka... rito" naghihingalong sabi nito. "Hindi ko iiwanan ang kastilyo nang ganito ang lagay, lalo na kayo" sabi ni Drake na pagagalingin sana ang lalake kaso... "Nay?!" sabi ni Drake na natigilan nang biglang may sumigaw malapit sa kanila. "Hinde..." sabi ni Reign na tinakpan nang dalawang kamay ang kanyang bibig at nakatulala sa isang halimaw na kagat ang babae sa may bewang. "Ito na ba ang pinagmamalaki nyong ninja?" sabi nang halimaw kaya nahulog ang katawan sa lupa. "Nay!" sigaw ni Drake na tumakbo palapit sa babae kasunod si Reign. "Walang kwenta" sabi nang halimaw bago inapakan ang katawan. "Hinde!" sigaw ni Drake na napatigil sa pagtakbo at nakatingin sa kumalat na dugo sa lupa. "Drake..." sabi ni Reign na nakatingin sa lalake bago nagsimulang dumilim. "Anong nangyayari?" nagtatakang sabi ni Reign na tumingin sa paligid bago nagsimulang lumindol. "Nay" mahinang sabi ni Drake na napaluhod habang nakatingin sa dugo. "Drake" sabi ni Reign na pinilit makalapit sa lalake kaso... "Dark Fire!" gulat na sabi ni Reign na napatigil nang makitang napa-ikutan nang itim na apoy si Drake. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Nay" sabi ni Drake na nakatingin sa dugo sa paanan nang halimaw habang lumilindol at umiikot sa kanya ang itim na apoy. "Huminahon ka kontrolin mo ang emosyon mo" sabi ni Viel dahil lumalakas na ang pagyanig nang lupa at nang apoy na umiikot kay Drake. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo" mahinang sabi ni Drake na hindi pinansin si Viel at tumingin sa halimaw. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Hindi maaari to, si Drake ang Demon Child?" hindi makapaniwalang sabi ni Reign nang maaninagan ang simbolong lumabas sa kanang kamay ni Drake nang bumagsak sya dahil sa pagyanig nang lupa. "Hinde, hindi ito totoo" sabi ni Reign na tumingin kay Drake na nasa loob nang itim na apoy. "Ikinalulungkot ko Reign, pero nakita mo na ang katibayan" sabi ni Shiera. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo!" narinig nyang sigaw ni Drake bago may isang itim na lupang lumabas sa ilalim nang halimaw bago ito naglabas nang mga patusok pa sa loob nito. "Drake..." nagaalalang sabi ni Reign na sinubukang tumayo kaso muli itong bumagsak. "Umalis ka na, hindi ko makontrol ang kakayahan ko" sabi ni Drake bago lalong lumakas ang apoy sa paligid nya na nagpaliyab sa malapit na mga dahon. "Huminahon ka Drake" sabi ni Reign na nakatayo na dahil tumigil na ang pagyanig nang lupa. "Kailangang mailayo ko kayo rito hangang kaya ko pa" sabi ni Drake na pinilit tumayo at tumingin kay Reign. "Hindi kita iiwan rito" sabi ni Reign na naiiyak na. "Mahal kita" sabi ni Drake bago may itim na hanging kumalat sa paligid. "Aaaaaahhhh!" sigaw ni Drake bago lalong lumakas ang apoy na nagpaluhod ulit sa kanya bago ito nag-anyong ibon. "Anong nangyayari?" sabi ni Drake na nakatingin sa ibong lumilipad sa paligid na sinusunog ang lahat at bago may lumabas na itim na hanging pumaikot sa kanya. "Sinabi ko na kasi..." sabi ni Viel bago sumigaw si Drake at nag-anyong kabayong may pakpak ang Dark Wind at napaikutan naman nang itim na tubig si Drake. "...sayo dati na sanayin mo..." sabi ni Viel bago nag-anyong isang malaking ahas ang Dark Water at napaikutan nang itim na lupa si Drake. "...ang mga ito" sabi ni Viel bago nag-anyong malaking pagong na may mahabang leeg na parang dragon bago rin bumagsak si Drake na ngayon ay nanghihina na. Ang mga ito ay tumalo sa mga halimaw at sumira sa buong Forest Castle at maging ang katabi nitong Animal Castle. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Sa Life Castle... "Anong klaseng kapangyarihan yon?" tanong ni Vode na nakatingin sa direksyon nang Forest at Animal Castle kasama sila Xech at Cobe sa may plaza nang kaharian. "Parang mga monster form na gawa sa Dark Elements" sabi ni Xech bago biglang may lumabas na malakas at itim na hangin sa buong plaza. "Prinsesa?" sabi ni Cobe nang makita si Reign matapos mawala ang hangin. "Anong nangyari?" tanong ni Vode dahil halos mapuno ang plaza nang mga sugatang tao na ang iba ay wala pang malay. "Ayos ka lang prinsesa?" tanong ni Xech na lumapit kay Reign habang nagsisimula nang magpagaling si Cobe. "Asan si Drake, prinsesa?" tanong ni Vode, kaso hindi sumagot si Reign sa halip ay tumulo ang luha nito. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Sa Fire Castle... "Anong nangyayari?" naguguluhang sabi ni Xire na nakatingin sa Forest Castle kung saan ay lumilipad ang itim na Phoenix. "Hindi ba ayon ang monster form nang Inferno prinsipe?" sabi ni Scon na nakatingin rin sa ibon. "Kaso nga lang itim ito" sabi ni Xire na hindi parin inalis ang paningin rito. "Paano nangyari yon?" dagdag nito. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Sa Wind Castle... "Diba ayon ang monster form mo prinsesa?" sabi ni Kaly na tumingin kay Aises. "Hindi kaya..." hindi na natapos ni Aises ang sasabihin dahil... "Nagpakita na ang Demon Child" sabi ni Tiven na nakatingin sa itim na Pegasus na lumilipad sa taas nang Animal Castle. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Sa Land Castle... "Hindi lang yan ordinaryong Fatality" sabi nang isang matanda na nakatingin sa mga itim na monster form. "Ano pong ibig nyong sabihin?" tanong ni Dale na inalis ang paningin sa itim na Dragon Turtle na nasa Forest Castle. "Hindi kayang bigyang anyo nang Fatality ang mga Dark Elements" sabi nang matanda. "Pwera nalang kung kaya nyang gumaya nang anyo" sabi ni Gail. "Hindi ba ang Vestige lang ang nakakagaya nang anyo?" tanong ni Van. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Sa Water Castle... "May nangyayari sa lupa, kamahalan" sabi ni Frae na tumakbo palapit sa trono kasama si Crysa. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni HARING ACE. "May gumagamit nang Dark Elements sa lupa kamahalan" sabi ni Frae. "Dark Elements!" gulat na sabi ni REYNA ROCE. "Hindi lang yon kamahalan, nag-anyong Sea Serpent ang Dark Water" sabi ni Crysa. "Ano!" gulat na sabi ni Dron. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Sa Life Castle... "Anong nangyayari, paano lumabas ang apat sa elemental monster?" sabi ni Xech na nakatingin sa apat na halimaw. "Hindi lang yon, gawa sila sa Dark Elements" sabi ni Vode na tumingin kay Reign. "Tapos na, magaling na silang lahat" sabi ni Cobe na tumayo at tumingin sa direksyon nang Forest at Animal Castle. "Prinsesa, nasan si Drake?" tanong ni Vode dahil hindi pa nito sinasagot ang tanong kanina. "Naiwan sya sa Forest Castle" sabi ni Reign na hindi man lang tumingin sa tatlo. "Kung ganon tayo na at tulungan natin si Drake na kalabanin ang Demon Child" sabi ni Xech kila Vode at Cobe. "Hindi ganon ang nangyayari don" sabi ni Reign bago muling tumulo ang luha. "Anong ibig mong sabihin Prinsesa?" tanong ni Cobe. "Huwag mong sabihing napatay na si..." sabi ni Vode na hindi na natapos. "Reign, nasan si Drake?" tanong ni Naht na lumapit sa apat. "Si Drake ang Demon Child" malungkot na sabi ni Reign na yumuko. "Anong sinabi mo" sabi ni Lian na kalalapit palang pero narinig nya ang sinabi ni Reign. "Pero imposible dahil nakita ko ang simbolo nang Vestige sa kanya dati" sabi ni Cobe. "Tama ka nakita ko rin yon, pero nakita ko ang simbolo nang Fatality sa kanya kanina" sabi ni Reign na napaupo na sa panghihina kaso nasalo sya ni Xech. "Hindi maaari to" sabi ni Lian na nanghina rin at napasandal kay Naht na nakatulala. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Sa Forest Castle... "Hindi maaari to, nagwawala na sila" sabi ni Drake na pinilit tumayo at tumingin sa apat na monster form. "Pabayaan mo na sila, baka ikaw pa ang atakihin nila" sabi ni Viel dahil hindi kontrolado ni Drake ang kakayahan nya. "Pero pag pinabayaan ko sila hindi lang ang Forest at Animal Castle ang masisira at baka masawi rin si..." sabi ni Drake bago pumito nang malakas. "Baka masawi ang Angelic Child? Dahil sa pangyayaring ito ay siguradong hindi mo na sya makikita" sabi niViel habang lumalapit ang apat na monster form. "Aaaaahhhh!" sigaw ni Drake dahil sa sakit nang pagpasok nang itim na Phoenix sa kanya. "Mas mabuti na yon kaysa mamatay sya" sabi ni Drake na napaluhod at muling sumigaw dahil sa pagbalik nang itim na Pegasus. "May punto ka rin don dahil sa plano natin..." sabi ni Viel habang bumabalik ang itim na Water Serpent at sa pagsigaw ni Drake. "...pero hindi yon sapat para isakripisyo mo ang sarili mo" sabi ni Viel habang bumabalik ang itim na Dragon Turtle na sinabayan ulit nang pagsigaw ni Drake. "Mabuti nang ako..." sabi ni Drake na pinilit tumayo. "...kaysa iba" dagdag nito bago sya walang malay na bumagsak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD