"Sirang-sira ang buong kastilyo" sabi ni Xire, sya ngayon ay nasa guho nang Animal Castle kasama sina Scon, Aises at Kaly ilang minuto pagkatapos mawala ang mga itim na monster form. "Wala narin kahit ang isang bakas nang halimaw" sabi ni Aises na tumingin sa paligid. "Wala nang may buhay rito" sabi ni Kaly na kakatapos palang lumipad sa buong paligid. "Kung meron mang naiwan rito ay siguradong wala narin yong buhay" sabi ni Scon. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Sa Forest Castle... "Hindi ko inaasahang mawawasak nang ganito ang lugar" sabi ni Dale na kasama sina Gail, Dron ar Crysa. "May tao rito!" narinig nilang sigaw ni Crysa, bago sila nagtakbuhan sa direksyon nito. "Hindi ba si Drake yan, ang

