Chapter 1
"Does anybody have questions regarding the topic?"
Naipatong ko ang baba sa palad saka taimtim na pinakatitigan si Mr. Luke.
Gosh! Kahit saang anggulo talaga, napakagwapo nya at mas dumoble pa iyon dahil sa kakaibang awra nya ngayong araw.
"Hoy, gaga! Tawag ka!" Halos mapatalon ako sa gulat nang hampasin ako ni Melissa, ang kaibigan ko.
Nang lingunin ko sya ay inginuso nya ang harapan at sinasabi ko sa inyo, ramdam ko ang pamumula ng mukha ko nang masalubong ang tingin ng propesor sa harapan.
God! His caramel brown eyes, perfectly structured jaw, his eyebrow and his kissable lips are making my legs tremble—
"Are you day dreaming again, Ms. Hernandez?" Malamig na tanong nito.
Marahan nyang inalis ang reading glass at ipinatong iyon sa lamesa. Matapos non, isinunod nyang ilapag ang parehong kamay saka masama ang tingin na pinakatitigan ako.
Ilang ulit akong napalunok sa eksena. Para akong nanunuod ng pelikula, aba!
"Ms. Hernandez!"
Bahagya akong napatalon sa gulat nang bahagyang tumaas ang timbre nang boses nito.
Ang kaninang maniningning kong mata at malapad na ngiti ay nawala nang makita ang nagtitimpi nyang mukha.
He pursed his lips and looked at me with disappointed eyes.
"Lately, nagiging kampante ka na sa klase ko, is this because you're being confident na makakapasa ka because you ace every exam and quizzes?"
"S-Sir, I wasn't day dreaming ho," tugon ko, kahit iyon naman ang totoo.
Kasalanan ko bang napakagwapo nya at napapatulala ako?
"Really?" Umarko ang sulok ng labi nito paitaas, "then what is my question?"
Napatunganga ako sa kanya dahilan para mas lalo itong ngumisi bago muling bumalik sa dinidiscuss nya.
Nakamove on na pala sila sa topic, habang ako, heto at hindi pa rin maka-move on sa kanya. Joke lang!
Ang landi! Napagalitan na nga.
Nakabusangot akong umupo.
"Kanina ka pa kasi tinatawag. Buti nga di nakita na naglalaway ka." Bulong ni Melissa nang makaupo ako saka mahinang tumawa. "Bakit kasi ngayon mo pa pinagnasaan ha?"
Nilingon ko muna si Sir Luke at nang masigurado na abal ito ay mahina ko syang hinampas.
"Hindi ko pinagnanasaaan 'no!" Mahinang tugon ko.
Nilingon kong muli si Sir. Aba, mahirap nang mahuli nanaman, ano?
"Keme mo. Kitang-kita kong naglalaway ka," aniya na itinuro pa ang arm chair ko.
"Nga pala, do you have plans?" Pag-iiba ko.
Naalala ko kasing imemeet namin ang isa sa mga friends ni Mommy over dinner later gusto ko sana syang yayain. Alam kong mabobored lang ako roon kaya isasama ko sya.
"Can't, Cass, alam mo naman na ngayon ang dating ni Mama," tugon nya dahilan para malaglag ang mga balikat ko. Mukhang mamamatay ako sa boredom mamaya.
"Ganoon ba?"
"Sorry. Bawi ako next time," dagdag nya pa na tinapik ang balikat ko.
Tinanguan ko na lamang sya at muling tumunganga.
"Nga pala, may napapansin ka ba kay Sir?" Melissa leaned closer as she whispered.
Nagtataka ko syang tinignan bago inilingan. "Bakit? Anong mayroon kay Sir?" I asked saka pinag-aralan ang nakatalikod na propesor ngunit wala talaga akong makitang kakaiba sa kanya ngayon. He's still handsome as usual. The epitome of a perfect man!
"Napaka-hot ni Sir Luke ngayong araw." Kinikilig na bulong nya saka kagat-labing pinakatitigan ang propesor na nasa unahan mula ulo hanggang paa.
"He's invariably hot, Melissa." I rolled my eyes. Akala ko naman kung anong sasabihin nya. Nothing's new. Kaya nga halos maghubad na lahat ng babae sa harapan nya, maski ibang professor dahil sa hotness nya.
I can't deny the fact that he's really turning everyone on with this cold and manly look of his. Isnobero tulad ng gusto ng ibang babae.
"No. He's a little hotter today. Ano kayang mayroon? Look oh, he's wearing a suit, iba sa parati nyang suot." Pagpupunto nya. My lips parted in amusement. Ngayon ko lang napansin yon ah? He's usual attire is a long sleeve polo, either gray, blue or anything dark na itinutupi nya hanggang siko pero ngayon he's wearing white polo, black suit and a tie. And Chloe is right about him being extra hot today.
Oh la la, who ordered a spicy dessert today?
"Maybe because of the evaluation. Narinig ko mag-eevaluate daw ang regionals ngayon," I said pretending not to droll over him—again. Tinignan ko si Sir mula ulo hanggang paa.
Maybe He has His favorite at alam kong si Sir Luke yon.
His perfect face and body to die for says it all. Plus his sense of fashion and achievements sa edad nya pa lang is really on a different level.
If this is the man I am marrying, I won't mind kahit arrange marriage pa ang magaganap!
"Ah kaya pala." Tatango-tangong tugon ni Melissa.
I focused on Sir Luke rather than his lessons nang itikom ni Mel ang bibig nya pero hindi pa nagtatagal ng dalawang minuto ay muli nitong ibinuka ang kanyang bibig.
"Kung yayayain nya ako ng gyera sa ganyang suot, I'll be more than willing to open my legs for him kahit saan," she said and look at Mr. Luke Ashton with lust. She even bit her lower lip habang nagtataas-baba ang mga kilay na nakatingin sa akin.
Gosh! I can't with this woman!
"Gross!" Hindi ko na naiwasang hindi mapasigaw dahil sa sinabi nyang iyon. I mean, I do like him a lot ha? Pero kapag niyaya nya ako ng ganon? Of course I would say no! My hymen is for my husband to break! He may look fvckable and hot pero the answer will always still be a no.
Chloe pull my sleeves while giving me this what-are-you-doing-look of hers at doon ko lang narealize na nasa klase pala kami.
Fudge!
Ashamed as I am, I slowly bowed my head and apologize. Pero hindi pa man tuluyang dumidikit ang pwet ko sa silya ay agad ko nang narinig ang baritonong boses sa harapan.
"Ms. Hernandez?" Pagtawag nya sa akin.
Damn it! Agad kong sinalubong ang malamig nyang mga tingin saka muling yumuko at humingi ng tawad.
"S-sorry, Sir. I didn't mean to raise my voice." Napapahiyang salita ko. Agad kong narinig ang bulungan at tawanan ng ilan. Fvck this day! Mukhang hindi maganda ang araw ko ngayon, a! Akala ko pa namn suswertehin na ako dahil nakita ko si Sir Luke.
"Mind if you share with us what you're talking about?" He asked.
Hindi ka pa talaga nadala nang isang beses, Cassandra ha? Dadalawa ka pa ngayong klase nya?
"I-it's nothing, sir." I can do nothing but to be ashamed. Mas lalo kong iniyuko ang aking ulo nang mas lalong tumindi ang bulungan sa paligid.
Yeah, right. Ito ang unang beses na nainterrupt ang klase ng isang Professor Luke Ashton and it's my fault.
"Hmm. Nothing makes you scream gross. Do you think we're stupid?" Sarkastikong tanong nya. Umarko ang labi nito paitaas.
His strict and cold voice gave me goosebumps.
"I'm really sorry, sir." Sinserong saad ko at muling tumungo.
"Bakit hindi na lang education or law ang kinuha mo and not a course related to business if you wanted to speak in front of everyone while your professor is talking?" Pamamahiya nya sa akin.
I stayed silent. Ikinuyom ko ang mga palad sa laylayan ng tshirt na suot.
Ganito pala ang pakiramdam kapag ikaw na ang pinapagalitan. Dati-rati ay kinukwestyon ko kung bakit kailangang magdrama ng iba sa tuwing pinagsasabihan sila ng mga professor pero ngayon ay parang gusto ko lang ding umiyak.
"Look at me!" Pare-pareho naming ikinagulat ang kanyang pagsigaw.
Pinalobo ko ang parehong pisngi saka dahan-dahan na nag-angat ng tingin sa kanya. Fvck! This is so embarrassing!
Agad kong naramdaman ang pag-uulap ng aking mga mata. Hindi dahil sa takot sa kanya ngunit dahil sa tindi ng hiyang unti-unting lumalamon sa akin.
"Faculty later. After class." Pagtatapos nya. Wala na akong nagawa nang iiwas nya sa akin ang kanyang paningin saka muling ipinagpatuloy ang pagtuturo. Ilang ulit na humingi sa akin ng tawad si Mellisa pero pilit na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya.