Hindi naging maganda ang hapon ko. Paano'y hindi na talaga umalis si Luke sa bahay at inalagaan kuno ako pero ang ginawa lang talaga nya ay asarin ako. Gusto ko pa sanang magpaalam kila mommy nang tumawag silang aalis muna sila pa-ibang bansa ni ninang kaso lang ay denimonyo ako ni Luke. "Sandra! Can you cook us dinner?" Rinig kong salita ni Luke mula sa sala. Nakabukas na ang ilang kwarto dahil nakuha na namin ang master key ng bahay kaya naman heto at hindi ko na kailangan pang makipagsiksikan sa manyakis na yon. Imbis na sumagot ay agad kong binuksan ang TV. Full volume! Para naman may rason kapag pumasok sya at sabihin na kanina pa sya tawag nang tawag. I was humming with the music on my television when suddenly my door opened at iniluwa non ang isang topless na lalaki. Oh! So hot!

