Rick's POV Tahimik at gulat kami ngayon dahil sa aming nakita. Hindi kami makapaniwala sa kamukha ng mga anak nina King at Ken. "Hindi naman ako namalikmata di ba?" Tanong ni Eros na nasa tabi ko. "Kamukha nila talaga sila." Tulalang sabi ni Nick. "Paano nangyari ito?" Tanong ni Blake "B-baka totoo ang sinasabi nilang reincarnation." Sabi ni Andrew. Ang mga babae naman ay sa kabilang tabi din. Nandito kasi kami ngayon sa silid nina Almira at Laica. Napagusapan kasi nilang dalawa na sa isang silid lang dapat sila ilagay pagkatapos nilang manganak. Sina Ken at King ay tulala lang na nakatingin sa kanilang anak. Gulat kami ng pumasok kanina ang dalawang nurse at dala ang dalawang sanggol na kamukhang-kamukha sa kaibigan namin. Lalaki ang anak nina King at Almira. Sa unang tingin

