Chapter 1

3423 Words
Betty POV Nakayuko akong kumakain na halos hindi ko na ata malunok ang nginunguya kong ulam. Katatapos lang akong sermonan ng daddy ng malaman niyang lihim na lumabas ako kagabi at sumama sa mga kaibigan ko sa birthday party ni Riu. Siya pala ang tumawag kay Kurt para sunduin ako. Halos hindi mapakali ang kamay ko sa pangungurot sa mga daliri ko dahil sa kaba kanina ng makita ko ang pamilyar na tingin ni daddy sa akin. Sa lahat ng kinakatakutan ko ay ang magalit sa akin ang daddy ko. Tingin palang niya ay may sinasabi na na dapat mong ikasunod at huwag nang uulitin pa. Having a strict dad doesn't mean na limitado at bawal ako sa ibang bagay. He's just protecting me. Ayaw niya lang na mapariwara ako. He let me learn something new and ask me how's is it. He always checked on me. My study and my activities. Only child lang ako at babae pa. Laging nakukunan si mommy noon sa mga kapatid ko sana pero ako lang ang nakaligtas. Kung hindi ako nagkakamali ay tatlo sana ang kapatid ko at pang-apat ako but sad to say, hindi sila mapalad na nabuhay ng nasa sinapupunan sila ni mommy at nang maipanganak ako ay nagdesisyon si daddy na wala ng susunod sa akin. Kaya naiintindihan ko kung bakit napaka strikto niya sa akin. Iniingatan niya lang ako. My dad loves me like how he loves my mom. Opposite naman sila ni mommy. Mom wants me to explore more. Hindi siya strikto sa akin. She allows me to try something new. Gusto niya daw akong matuto sa paraang mga ginagawa ko at nacucurious akong gawin. Minsan ay siya narin ang nagtutulak na magpaligaw din ako kapag nalalaman niya na may nagbabalak manligaw sa akin noong highschool na kinakontra ng daddy ko. They were opposite but completely fated to each other. Kung magmamahal man ako ay gusto ko ay parang gaya ni daddy. Responsible and caring. He waited for my mom until she get ready to marry him. Iyong tipong first kiss niya si daddy at sa mismong kasal niya lang ito nahalikan. Epekto narin siguro ng side ni mommy na makaluma ang tradisyon, at dahil mahal ni daddy si mommy ay inantay niya iyon. Love waits and that's my virtue. I want my husband to be my first kiss. But ... someone stoled it last night and I loathed him for that. "Pasok na po ako." paalam ko nang makaayos na ako at gagayak ng tutungo sa school. "Ang bilin ko Beatriz." pauna ni daddy na kinatango ko. "Opo daddy. Alis na po ako." paalam ko saka nagpaalam sakanilang dalawa ni mommy at lumabas na ako. I was on my last year of college now. HRM ang kinuha ko dahil naiinggit ako sa bestfriend kong si Dindin. Wala kasi akong kaclose sa dating kong course kaya nagshift ako which is in line din naman sa ibang hilig ko. Naging kaklase ko rin sa ibang subjects sila Dianne at Hilda na highschool bestfriends ko pero dahil sa ibang department sila ay taliwas ang oras naming nagkikita. Ngayon naman ay halos makalimutan narin namin ang isa't isa dahil sa dami ng requirements at activities. Busy sila at busy rin ako. Kahapon lang kami ulit nagsamasama ng makatanggap kami ng invitation galing kay Riu para sa birthday niya at batch noong highschool namin ang halos naroon. Reminiscing those memories sometimes brought a very nostalgic feeling. I sighed, Napadpad ako sa library na minsan talaga ay nagiging tambayan ko na kapag tapos na ang klase ko at bago ang klase. Hindi naman ako studious, sadyang gusto ko lang ng tahimik na lugar at minsan tulugan ko narin kapag naboared ako sa klase at sa libarary ko tinutuloy. Kumbaga nagiging comfort zone ko na ito. Pagpasok ko ay nakita ko agad ang best friend kong nakangiti habang ang mata ay nasa cellphone niya. "Ang sarap ng ngiti natin ahh" bungad ko dito at napalingon naman agad siya sa akin. "Betty! Bat andito ka?" tanong niya sa akin at ipinatong sa mesa ang phone niya. Umupo ako sa harap niya at inilapit ang mukha ko sa mukha niya "Bat blooming ka ata?" tanong ko dito na para bang may kakaiba sa mukha niya na ngayon ko lang nakita. "Blooming? Hahaha. Lagi naman akong blooming ehh. Ngayon mo lang napansin?" natatawang sambit nito sa mahinang paraan para hindi marinig ni Mrs. Mendez. Ang Librarian. Napalingon ako sa phone niya ng biglang tumunog ang phone nito. Hinabaan ko ang leeg ko para silipin ang katext niya pero ang babaita ay lalong tinago para hindi ko makita. Maya maya ay napansin kong parang namula ito at hindi matanggal ang titig sa screen ng phone niya na para bang gulat at hindi makapaniwala sa nababasa. "Nangyari sayo Dindin? Parang namula ka diyan?" tanong ko dito. "Wala. Biglang uminit dito sa library ehh. Labas na tayo" yaya niya saka kinuha ang tumbler nito at uminom ng tubig. Tumaas ang isang kilay ko sa napapansin ko sakanya. Isang beses pa siyang nagtipa sa phone niya at agad na sinilid ito sa bag niya at niyaya na akong lumabas at sa classroom na mag-antay ng klase namin. Habang naglalakad kami papuntang classroom ay hindi namin inaasahan ang makakasalubong. Siyempre ang agaw eksenang si Chloe na pakaway kaway pa sa iba na waring isang beauty queen na naglalakad habang nakakawit ang kamay sa braso ng pinsan kong si Kurt na diretso lang ang tingin. Paano ba niya kasi nabilog ang pinsan ko? Sa pagkakaalam ko ay matalino naman itong si Kurt at kung paano kay Chloe pa siya bumagsak. Malaki ang pinagbago ng pinsan ko noong naging sila. Parang naging sira lagi ang araw at hindi mo mahila ang labi nitong ngumiti. Medyo lumayo narin ang loob ko dito dahil mas pinili niyang plastic na Chloe na iyan kesa sa bestfriend kong si Dindin. Botong boto pa man din ako sakanya pero wala eh, natukso ata sa pambobola ng isa sakanya. Nang makarating kami sa tapat ng classroom ay may binulong ako kay Dindin. "Nakatingin sayo kanina si Kurt" patuksong nakangiting sabi ko. Napansin ko kasi ang panakaw tingin niya sa amin at alam kong si Dindin ang tinitingnan niya ng magkasalubong kami sa hallway. "Hayaan na natin sila Betty. Parang masaya naman ata sila sa isa't isa kaya wag na natin silang pakialaman, baka maging kontrabida pa tayo sa relasyon nila. Mahirap na, tayo pa ang magiging masama." sagot niya habang papasok kami sa classroom at umupo. "Narinig ko kayang nag-aaway sila noong isang araw nang bumisita ako sa bahay nila. Feeling ko nga maghihiwalay na sila ehh" pagkwekwento ko. Hiling ko talaga noong araw na iyon ay maghiwalay na talaga sila. "Next time wag kang makinig ng usapan ng iba, hindi maganda yun. Lumalabas kang chismosa dahil shineshare mo pa." Biglang lumukot at ngumuso sa sinabi niya sa akin at tinapik ko ito sa balikat na lalo niyang kinatawa. Kung hindi ko lang talaga ito mabait ay matagal kong binara. "Nakakainis ka. Ikaw na nga tong tinutulungan ehh. Gusto ko kasing makita ang itsurang talunan ang bruhalditang Chloe na yun. Dapat ikaw yung niligawan ni Kurt kung di ka lang siniraan ng bruhang iyon. Gigil na gigil ako. Awatin mo ako." Inis na lintaya ko pero hinayaan niya lang ako. Tinawanan pa ako. "Huwag mo na kaming problemahin ng pinsan mo. Okey lang kami at masaya na kami sa piling ng iba." Nakangiting sambit niya na kinakaunot ng noo ko sa sinabi niya. Totoo ba yung narinig ko? Bigla ring nawala ang ngiti nito ng marealize ang sinabi sa akin. "Dindin. Umamin ka nga sa akin? Kailan ka pa nagkaboyfriend??" Medyo malakas ang boses kong tanong na kinalingon ng ibang kaklase namin. Kinurot ako nito sa tagiliran ko para mapansin ang iba pa naming kasama na sa amin na nakatingin. "Pwede mo naman sigurong tanungin sa akin sa mahinang paraan at hindi pasigaw na parang balak mong iparinig sa lahat dito ahh."bulong nito sa akin. "Sorry naman, pero magpapaliwanag ka mamaya sa akin." Utos ko dito at nilabas ang notebook ko. "Soon.. huwag muna ngayon." Patapos niyang sabi. Bumuntong hininga ako. "Ok, fine!" Pagsuko ko. Wala naman akong magagawa kung hindi pa siya ready eh, basta ang mahalaga ay masaya siya kung sino man ang 'iba' na tinutukoy niya. Pagkatapos ng klase ay dumeretso kami ni Dindin sa canteen para magmeryenda. Ang swerte ng kaibigan ko at maluwang ang oras niya para tumambay, halos tapos na daw kasi niya lahat. Buti pa siya, kaso apat pa ang naiwang subjects ko kaya magtitiis ganda muna ako bago mag 2nd sem. Hindi ko naman talaga first choice ang HRM kaso nahila lang talaga ako ni Dindin noong 2nd sem ng 1st year namin dito. Naging close lang kami dahil crush niya ang pinsan ko. Matagal ko nang alam actually kaso ayaw niya rin ipaalam, saka na daw pag malapit na siyang grumaduate kaso naunahan siya ng bruhang kunwaring mabait na best friend niya... dati. Pero plastic pala. Paano niya ba naging best friend kasi ang katulad ni Chloe? Naasar ako sa tuwing mas pinipili niya minsan samahan ang bruhang iyon na ang kailangan lang naman sakanya ay paggawa ng requirements niya. Kunwaring magpapatulong hanggang si Dindin na ang gumagawa. Kaasar din kasi minsan si Dindin, masyadong mabait, tuloy inaabuso. Ganun din ang ginawa kay Brent noong unang nagkita sila last year ago, hindi niya sinasadyang napalakas nang bato niya sa bola kaya tumama sakanya at itong babae naman, dahil takot makagawa ng mali sa iba, humingi nang sorry at ang masama ay iniwan pa kami para samahan daw maghanap ng trabaho iyong lalakeng natamaan niya. Oh diba? Siya yung modern version ng The Good Samaritan, masyadong matulungin, pero atlist hindi umabuso si Brent sa kabaitan ni Dindin, bagkos ginawa niya pa itong parang prinsesa. Halatang napana ni Kupido si Brent kay Dindin, manhid lang kasi ang babaita at loyal na loyal siya kay Kurt. Kung pwede lang sanang agawin si Brent, ginawa ko na kaso magiging ako rin ang kontrabida. Antayin ko nalang si Mr, Right sa katauhan ng iba. Nakangiti akong pinagmamasdan ang matakaw na kaibigan ko .. Oo, malakas kumain ito. Pero mapili. Health conscious kumbaga. "Sarap na sarap ka sa pagkain mo ahh, baka gusto mong magshare?" biro ko habang hawak ko ang nakagatang burger ko. "May pagkain ka na nga tapos hihingan mo pa ako? As if naman na gusto mo ang itong kinakain ko? " habang ngumunguya. "Try lang baka maging favorite ko soon, para pag nagbaon ka ulit ng ganyan ay may makasama ka nang umubos niyan." Sabi ko habang nakatingin parin sakanya. Biglang tumunog ang phone niya na nasa mesa at agad niya naman itong kinuha. Aba, may katextmate na ata ang kaibigan ko at nakamove on na sa pinsan ko. Nasilayan ko rin ang pag ngiti ng labi habang nagrereply sa nag text sakanya. "Mukhang yan atang katext mo ang nagpapablooming sayo ahh, baka gusto mo akong ipakilala para naman mapasalamatan ko siya!" sabay kagat sa burger ko. Tiningnan niya ako na medyo nag-aalanganin ang mukha kung sasabihin niya ba sakin o hindi. "Sasabihin ko na pero huwag kang mag eeskandalo dito ahh." Aniya niya na parang nahihiya. NBSB kasi ito kaya magugulat talaga ako pag sinabi niyang suitor niya ang katext niya. "Pinayagan ko na kasi si Brent na manligaw sa akin." Pabulong at nahihiyang sabi niya. Halos mabilaukan ako sa narinig ko. Kasasabi ko palang sa isip ko pero suitor niya talaga yun? At ang nakakagulat ay si Brent pa? Mabuti naman at pinagbigyan na niya iyong tao. Ilang beses niya narin kasing nireject iyon at muntikan ko nang agawin kaso nakakatakot din yung lalakeng iyon minsan. Hindi mahilig ngumiti at kay Dindin lang siya ngumingiti. Favoritism! Pinainum niya ako ng juice saka nakahinga ng maayos. "Mabuti naman at nakapag isip ka na nang maayos. Isang reject mo pa talaga sana kay Brent ay aagawin ko na siya sayo" biro ko pero siyempre malabo rin mangyari iyon. Kaibigan niya kaya yung taong kinaiinisan ko. Nalaman ko lang iyon kaninang umaga ng bisitahin ko ang IG account ko at nakita ko ang ilang post ni Dindin at nakita ko ang lalaking iyon. Sa kinalawak lawak ng Metro Manila ay bakit isa pa siya sa mga kaibigan ni Brent na kaibigan din naman ngayon ni Dindin na best friend ko. Napansin ko ang pagsimangot niya sa sinabi ko. Napangisi ako. Aba!! Affected na ang kaibigan ko sa biro ko kapag kay Brent. I smell something fishy. Nilapit ko ang mukha ko sakanya at sinapo ang baba ko. " gusto mo na ba siya?" tanong ko. Tiningnan niya ako at nagulat ako na bigla itong namula. Maya maya ay yumuko na parang nahihiya. Natawa ako sa reaction niya. "Hindi ko alam ehh" tanging sabi niya. Napaupo ako ng maayos. "So pwede ko pa siyang agawin sayo? Since hindi mo alam kung gusto mo siya o hindi. "Panakot kong may halong biro. Paraan ko lang para malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para kay Brent. Tiningnan niya ako ng masama saka ngumuso. "Hindi ko pa alam kasi hindi pa clear kung anong feelings ang meron ako para sakanya tsaka willing naman siya mag-antay hanggang ready na akong sagutin siya, atlist binigyan ko siya ng chance para matulungan niya akong malaman kung the same feelings na ba kami." Bigla akong tumawa. Parang siyang batang nagsusumbong na may nagkakacrush sakanya at di niya alam kung ikracrush back din ba niya ito o hindi.. Haayy.. Sabi nga na hayaan ang batang mag explore para matuto kaya hahayaan ko nalang si Dindin na gawin ang alam niyang makakatulong sakanya para malaman kung crush ba niya yung taong nagkakacrush sakanya. Pero nakaramdam din ako ng inis dahil sa paliwanag niya. It seems like she's testing something kung magcliclick ba talaga sila o hindi. "Just make sure na huwag kang haharap na umiiyak sakin dahil sakanya, okey?" paninigurado ko. Wala akong alam na iadvice sakanya basta ang gusto ko lang ay maging masaya siya. Period! "Oo naman, sisiguraduhin ko yon." nakangiting saad niya sabay tumunog na ang phone niya na hudyat na may tumatawag sakanya. "Hello Brent" sabi niya sa kausap. Ahh, si Brent pala yung tumawag. "Oo, wala na .... sige palabas na ako. Bye" sabay tago ang phone sa bag niya. "I have to go na Betty, nag aantay na si Brent sa labas ng gate." "Wala ka na bang klase?" Tanong ko kasi may isang subject pa siyang papasukan ehh. "Wala yung prof namin, may sinend siya sa GC namin na gagawin kaya mauuna na akong aalis ahh" tumayo na siya. Napangiti ako sabay sabing "magdedate lang kayo ehh". Nagulat siya sa sinabi sabay lingon sa paligid at napasunod naman ako. Oppss, malakas pala yung boses ko,sorry but not sorry, kailangan nadin naman malaman ng iba na may someone na siya para tumigil na yung ibang umaasa parin sakanya. Ang supportive ko noh. Sana all Dindin. Ngumiti ako sakanya "Alis ka na at baka inaantay kana ni Brent" sinadya ko ang iparinig para kompletong impormasyon ang marinig nila. "Betty naman ehh" pagrereklamo niya. Tumawa ako. "Go!" pagtataboy ko at sumunod naman siya. Natanaw ko siyang nakalabas na nang canteen nang may tumabi sakin. "Are they really dating?" lingon ko sa nagsalita at nagulat akong makita ang pinsan kong si Kurt na medyo seryoso ang mukha sa narinig. Mataray ko siyang inirapan at hinarap ang pagkain ko. "Ano naman ang masama kung nagdedate sila? Parehas naman silang single at karapatan din naman ng kaibigan ko na maging masaya. Atlist si Brent, hindi kayang ipagpalit sa iba si Dindin kahit ilang beses na rejection sakanya. Pero ikaw" Peke akong tumawa at tiningnan muli siya "Isinara mo na kaagad ang pinto na hindi inaalam ang totoo." I heard him sighed. "Yes, it's all my fault kaya gusto ko sanang itama. Gusto kong maging malapit ulit sakanya" giit niya na kinakunot ng noo kong lumingon dito. Gagawin ba niyang komplikado ang lovelife ng bestfriend ko? Napailing ako. "Kung ako sayo, huwag mo nang gawin yan. Huwag mo nang guluhin ang isipan niya. Isipin mo nalang na magiging masaya siya kapag wala kang ginawa," saka ako tumayo at aalis na sana nang magsalita siya. "Parang di ko kaya na masaya siya sa iba." amin niya na kinalingon ko sakanya. "Ikaw ang gumawa sa desisyon mo Kurt kaya pagdusahan mo. Di ka nakinig sa akin kaya wala na akong magagawa. Doon ako sa ikaliligaya ng kaibigan ko at sana matanggap mo iyon." Sabay talikod ko dito at iniwan siya. Biglang kumulo ang dugo ko sa inis. Kung kailan may iba na saka bumabalik. Minsan ang pagsisisi nakikita sa huli. Oo, kailangang maging madamot pero hindi dapat lagi. Dapat ilugar at dapat nasa tama ka. Dahil hindi lahat ng oras ay nakukuha mo ang gusto mong resulta. Pagkatapos ng mahaba habang klase ko sa maghapon ay ko nag-abang na ako ng taxi para umuwi. Hindi ko na tinext si Mang Rene dahil gusto ko ring subukan ang magcommute. Hindi naman siguro masama iyon diba? Nasa labas na ako ng gate nang masulyapan ko ang isang convenience store. Bigla akong nagcrave sa pagkaing minsang nabili at nakain ko diyan. Hindi ko alam ang pangalan dahil Korean name ito at madaling maubos din. Pumunta muna ako doon at pumasok. Hinanap ko agad ang pagkain na binili ko at nang makita ko iyon ay iisa nalang. Kukunin ko na sana nang may naunang kumuha dito. Agad akong napalingon at tumingala sa lalaking kumuha doon. "You?" gulat kong turo sakanya at doon palang niya ako nilingon. Bahagya kumunot ang noo at maya maya ay nawala iyon. Bahagyang nagulat din ito ng makilala at maalala ako. Umayos ito ng tayo sa harapan ko habang ang isang kamay ay nakapamulsa at ang isa naman ay hawak ang pagkaing kukunin ko rin sana. "Look. About what happened last night, I didn't mean to do that to you." nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Parang biglang tumaas ang dugo ko sa ulo at nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya. "So ano iyong ginawa mo kung hindi mo sadya?" Tumaas ang boses kong tanong dito. "It's just a dare miss, and kindly minimize your voice?" may pagtimtimping pabulong na hiling nito sa akin na para bang nahiya dahil sa pagtaas ng boses ko. "So laro lang ang ginawa mo sa akin, ganun?" Nagtitimping sagot ko rin dito. Knowing that they're just playing at ako pa ang ginamit niya? How dare him! "Hindi sa ganun, but ... f**k! Bat ang hirap mag explain!" Naiinis nitong sambit sa sarili. "Look Miss. Hindi ko sinasadya okay? Where just playing and... " hindi na natapos ang sinasabi niya sa akin ng sampalin ko siya sa harapan ko. Gulat itong natagilid ang mukha niya. Nagpipigil nalang din ako sa galit at gigil na sabunutan din siya. Were in public at nasa convenience store din kami but knowing his explanation triggers me to physically hurt him. I hate him! "What happened?" tanong ng isang lalake na kararating mula sa kabilang shelves. He might heard it pero wala akong pakealam. I notice him smirking and massage his jaw. "Kung sayo hindi big deal yun, sakin oo. Ang kapal mo sa paraang sabihing laro lang sa inyo ang ginawa mo sa akin? Kasing kapal at tigas ng simento ang pagmumukha mo para maging proud sa ginawa mo." naluluhang saad ko dito. For him it's just only a kiss. A normal kiss, pero sa akin ay hindi normal iyon. Iniingatan ko iyon. Nilalaan ko iyon para sa taong makakasama ko pagdating ng panahon. Pero ang walang hiyang lalakeng ito ay ganun niya lang kadaling ninakaw. Iniyakan ko iyon kagabi. Nakareserved na yun at ang sama sa pakiramdam na malalaman ko pang dare lang pala iyon sakanya? Tiningnan niya ako pero bago pa ito magsalita ay tinalikuran ko na. Tinuyo ko ang mga luha kong kusang lumabas kanina. Nang makalabas ako ay may biglang humaklit sa siko ko rason para matigil at mapaharap ako sa taong humila sa akin. "I'm telling you the truth miss. I really didn't mean it." paliwanag niya na para bang nag-aantay ng pag-iintindi ko sa sinabi niya. "Stop playing Mister. Hindi ka nakakatuwa." seryoso kong saad dito at tinanggal ang kamay niya sa siko ko. Inirapan ko siya at tinalikuran na saka naglakad papalayo. "Kyle!" Narinig kong tawag sakanya pero hindi ko na inabalang tingnan o lingunin pa. Hiling ko lang na sana hindi ko na siya makita ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD