Chapter 2

3173 Words
Betty POV "GUSTO KO NANG GRUMADUATE!" sabay gulo ko sa buhok ko at binagsak ang katawan ko sa kama. Tapos na ang defend namin sa thesis pero ang daming pinaparevise. Exhausted na ako at gusto ko nang magwala sa inis at dami ng gagawin. Gumagana lang kasi ang utak ko kapag malapit na ang deadline at kapag rush hour na. Ewan ko ba kung anong meron sa akin at hindi ko maturuan ang sarili kong maging masipag at hindi abutan ng deadlines. Kainis. Nilingon ko ang cellphone ko sa night table ko nang biglang tumunog ito. Agad ko iyong inabot at tininang ang tumatawag. Si Hilda iyon. "Nasa harap kami ng bahay niyo." bungad nito sa kabilang linya na agad kong kinabangon. "Ano!? A-anong ginagawa niyo diyan?" tanong ko at taranta akong tumayo at sinuot ang hood ko at sumilip sa bintana at tiningnan sa baba. Nakita ko ang sasakyang ni Dianna sa gilid at mukhang sila nga iyon. "May night party sa bahay nila Ethan." bigla akong napahinto sa pagmamadali ng marinig ang pangalang iyon. "Dumating na siya?" Mahinang tanong ko. "Bakit parang hindi ka natuwa sa pagdating niya? Last week pa siya dumating. Hindi ba niya sinabi sayo?" usisa niya. Pait akong ngumiti. "Hindi." sagot ko. Natahimik si Hilda sa kabilang linya na para bang pinapakiramdaman ako. Silang dalawa lang ang nakakaalam sa sekreto ko. Sila lang din ang nakakaintindi sa akin ng mga panahon na naiinis at nasasaktan ako. Ethan was my ultimate crush since first year highschool. Hindi nagbago iyon hanggang grumaduate kami ng highschool. I was secretly admiring, appreciating and loving him. Pero ang masakit ay kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin until I confessed my feelings to him before he left and went to Canada to continue his study. Sa mga sumunod na buwan ay madalas na kaming nag-uusap hanggang umabot ng years. He's taking up medicine kaya naintindihan ko kung bakit sobrang busy niya at minsan ay nawawalan na ito ng oras. Why should I overthink kung wala namang matatawag na kami? Do I have the right to complain why it takes months na hindi na hindi na siya nakakapagchat and call sa akin? None. Kaya binuhos ko nalang sa pag-aaral para lang makalimutan ang sakit na ginawa niya. Until one day, when I checked on my social media, he was tagged with someone name Harriet Lorris with a caption on their picture "with my favorite person". Ouch! Umiyak ako. Patago akong umiyak. Hilda and Dianna reach me out but I didn't answer their calls. That time, I want to be alone. Hindi naman ako tanga para kitilin ko ang sarili ko dahil nasaktan ako. Sabi nga nila na ang mabisang ganti para sa mga taong nasasaktan ay ang magmove on. Iyong tipong hindi ka affected at normal parin ang pamumuhay mo. Iyakan mo lang pero huwag na dapat sundan pa ng mga araw hanggang maging losyang kana. Ayusin mo lalo ang sarili mo at ibaling ang sarili mo sa ibang bagay na mas importante kesa sakanya. Iyong may mas future ka kesa sa taong pinaasa ka sa wala at iniwan nalang sa ere dahil nakahanap na ng iba. Aminin ko, mahirap ang magmove on lalo na at laging ko siyang iniistalk kapag napapacheck ako sa social media ko pero nasa akin narin iyon kung gusto ko talagang maging masaya. Mas mahirap naman ang magmove on kapag lagi mo siyang nakikita diba? Sa mga panahong iyon. Doon ko mas naintindihan ang ibig sabihin ng MU sa status naming dalawa ni Ethan. Ang MU sa amin ay hindi mutual understanding kundi magulong usapan. Walang matinong usapan sa aming dalawa kung anong meron sa amin. May pa "take care always" o kaya "i miss you" iyon pala walang label at iiwan ka lang pala. Paasa siya at ako naman si tanga ay umasa naman sa wala. Tsk. "Si Ethan ang nagsabi na daanan ka namin at ipaalam sa magulang mo na pupunta tayo sakanila. Ano? Gora ka ba?" tanong muli ni Hilda. Saktong paglabas ko ng pinto ay ang paglabas din ni mommy sa kwarto nila. "Oh, hindi ka pa nakakabihis?" tanong ni mommy. Kumunot ang noo ko. "Po?" taka ko. "Nagtext sa akin si Ethan na may welcome party daw sila ngayon sa bahay nila. Pinaalam ka sa akin. Kayo daw ng mga batch ninyo." Aniya ni mommy na kinaawang ko. "Oh, pinaalam ka naman na pala ni Ethan." May halong tudyo sa boses ng kausap ko sa phone. "Hindi po ako pupunta mommy, marami akong tatapusing requirements." Rason ko. Totoo naman. Nakalinya pa nga iyong mga tatapusin kong reports at case study para makapag OJT na ako next sem. Isama mo pa iyong sa thesis namin. "Ganun ba? Sayang naman." Alangang sagot ni mommy. "Hoyy babae, sumama ka na! Tutulungan kita diyan sa requirements mo. Isang araw lang yan tapos na lahat." I rolled my eyes and shook my head. "Regards niyo nalang ako pag nakita niyo siya ha? Bye!" sabay patay ko sa linya ay tumungo sa kusina at naglabas ng juice. Sinalinan ko ang basong kinuha ko at uminom saka umupo. "May tampuhan ba kayo anak?" Concern na tanong ni mommy sa akin. Hindi rin alam ni mommy ang kung anong meron sa amin ni Ethan noon. Ang alam niya lang ay malapit ko siyang kaibigan. "Wala po mommy. Nataon lang na marami akong tinatapos ngayon." Tinaas ko ang dalawang kamay ko at inunat ito. "Sabagay. Itext mo nalang siya kung ganon para naman maintindihan niya kung bakit hindi ka nakapunta." utos sa akin ni mommy na kinangiti ko. Ramdam ko ring boto si mommy kay Ethan para sa akin at masaya ako noon para doon pero hindi na ngayon. Gusto ko nang magmove on. "Balik na po ako sa kwarto mommy." Paalam ko na kinatango niya sa aking nakangiti. 12:03am na at tapos ko nang irevise ang thesis namin at nagawa ko narin ang ibang reports para bukas. Binagsak ko ang katawan ko sa kama na para bang pagod na pagod itong nakaupo at babad sa screen ng loptop ko. Inabot ko ang cellphone at ini-on iyon. Pagpasok ko kasi dito sa loob ng kwarto ay ini-off ito para hindi na ako tawagan nila Hilda at kulitin pa na sumama sakanila. Mas mahalaga itong requirements ko kesa sa party ni Ethan. Hindi naman kawalan iyon kung ako lang ang wala sa picture ng batch namin sa party niya. Pagbukas ko dito ay sunod sunod na notifications ang bumungad sa screen ng cellphone ko. Puro missed calls from Hilda o di kaya ay si Dianna. Pero biglang kumabog ang dibdib ko ng makita ang pangalan ni Ethan. 8 missed calls from him. Hindi ko alam kung anong tawag sa nararamdaman ko. Pakiramdam ko bumabalik at sumasariwa ang mga panahon na kapag nakikita ko ang pangalan niya sa screen ay excited akong buksan at babasahin ang mga message niya sa akin. Ngayon naman ay puro missed calls lang at walang iniwang message. Binalik ko ang phone ko sa night table. Huminga ako ng malalim. "Not anymore Ethan." bulong ko sa sarili ko at pinikit na ang mga mata ko. Kinabukasan ay maaga akong nagising at pumasok dala ang mga libro at back pack ko. Pagdating ko sa school ay agad akong inasikaso ang ibang hindi ko natapos kagabi. Binuhos ko ang lahat ng oras ko sa pagtapos ng mga dapat tapusin at ipasa ang mga dapat kailangang ipasa. Halos makalimutan ko ang kumain nang tanghalian dahil loaded ang isip ko sa mga requirements na ipapasa. Nang makaluwag luwag ako sa oras ay tumungo ako sa cafeteria at kumain. Kaharap ko parin ang loptop ko at nagtitipa para sa report ko bukas. Susubo na sana ako ng may biglang umupo sa harapan ko at ginilid ang loptop ko sa harapan ko. Naiwan sa ere ang kutsara at nakaawang naman ang labi ko sa kaharap ko ngayong lalakeng nakangiti. "Kamusta ka na Betty." Ang boses na iyon, biglang binuhay ang puso kong kalmado lang kanina at ngayon ay mabilis na parang may hinahabol sa lakas ng pagtibok nito. Inabot niya ang kamay ko na nasa ere parin at sinubo sa akin ang pagkaing isusubo ko sana. Ako na ang nagbaba ng kutsara sa plato at halos hindi na makatingin ng diretso sakanya. Kukuhanin ko sana ulit ang loptop ko ng ilapit nito sakanya. "Pwede ba tayong mag-usap?" tanong nito pero ginawa kong rason ang panguya ko at hindi sumagot sa tanong niya. Sa totoo lang ay natatakot ako at nangangamba sa maaring sabihin niya. Hindi pa ako handa. Ayaw kong masira ang araw ko dahil lang sa sasabihin niya sa akin. Gusto kong magfocus. Gusto kong matapos ang gagawin ko. Para may matapos ako ay dapat iwasan ko ang distraction sa harapan ko. Tumayo ako at kinuha ang bag libro sa mesa. Inabot ko ang tubig at uminom saka kinuha ang loptop ko sa tabi niya na sinundan naman niya ako ng tingin. "Sorry, pero busy ako ngayon. Sa ibang araw nalang." Sagot ko sa tanong niya at agad ko siyang iniwan. Nagmamadali akong lumabas at naghahanap ng pwedeng puntahan at pansamantalang pagtataguan habang pinapakalma ang puso ko dahil sa presensiya niya. Para akong nasusunog at sa init ng nararamdaman ko at halos mawala ako sa suwistiyon dahil kaharap ko siya kanina. Ang gwapo at mala anghel niyang mukha. Ang malalalim niyang dimples na talagang napapainlove sa akin noon na parang bumabalik na naman ngayon. Umiling ako. Hindi! Tama na ang umasa ako noon at hindi na mauulit ngayon. Nagpalingalinga ako at mabilis na naglakad papuntang library. Hindi ko na naubos ang pagkain kahit na pangatlong subo ko palang iyon. Nang makarating ako sa library ay nilagay lahat ng dala ko sa table at umupo. Natulala ako na para bang bumabalik ang gwapo niyang mukha kanina sa isip ko. Umiling na naman ako. Nababaliw na ata ako. Nababaliw parin sakanya. Napangisi ako. Move on Betty. Move on. Natapos ko rin sa maghapon ang mga requirements at reports ko. Ang saya ko dahil umabot ako sa oras ng pasahan. Iyong iba ay bukas pa pero tapos ko na kaya pwede ko nang aliwin ang sarili ko. Inaantay ko na si Mang Rene ng dumaan muli ako sa convenience store. Hinanap ko iyong pagkain at saktong marami silang stock ngayon. Kumuha na ako ng sampo para meryendahin ko narin. Kumuha narin ako ng lemonade para pangtulak. Paglabas ko ay nahagip ng mata ko ang isang sasakyang pumarada sa harap ng gate. Makaraan ng ilang segundo ay may lumabas na isang babae mula sa school at nakauniform ito. Namukhaan ko kung sino ito, isa siya sa mga prof ko sa isang major ko. Si Ms Arellano kung hindi ko nagkakamali. Lumabas ang lalaki sa sasakyang at sinalubong si Ms Arellano ng halik sa pisngi at giniya sa kabilang pinto ng sasakyan. Namilog ang mata ko ng makilala ang lalake. Siya yung ... siya yung lalake kahapon.. siya yung humalik sa akin noon. Nang bumalik ito sa kabila ay napatingin siya sa pwesto ko at nagkasalubong ang mata namin. Pinanliitan ko siya ng mata at umiwas ng tingin. Pagkalipas ng ilang minuto ay narinig kong umalis na ang sasakyan nito. Kaano ano naman niya si Ms Arellano? Sabagay at dalaga pa naman siya at mukhang may magkaedad lang sila nong lalake na narinig kong tinawag na Kyle kahapon. Napabuntong hininga ako. Tiningnan ko ang oras at mag-6 na. Ilang minuto pa ang lumipas at may tumigil na sasakyan sa harapan ko. Binaba niya ang window glass nito at niluwa si Ethan. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. "Hindi ka masusundo ni Mang Rene kaya ako na ang maghahatid sayo." Ngiting saad nito na kinalabas ng dimples niya. I was about to decline his offer pero agad itong lumabas sa sasakyan niya at kinuha ang dala at bagpack ko. "Sakay ka na. I'll bring you home." He said at nagpatinaod naman ako ng itulak niya ako mula sa likod ko. This is the most awkward moment happened in my life. After our MU's status years ago ay parang walang nangyari ngayong kasama niya ako habang sa akin ay fresh pa. To be honest ay kailangan ko rin ng explanation niya pero may takot at pangamba sa dibdib ko at hindi ko alam kung paano ko haharapin iyon kung sakaling marinig ko na iyon ngayon. "Betty." Panimula niyang tawag sa akin. "Hmm?" tanging sagot ko habang sa labas ako ng bitana nakatingin. Nagpapawis din ang kamay ko sa kaba na kahit nakaaircon ay mainit parin ang pakiramdam ko. "I'm sorry." Agad akong napalingon sakanya. I scanned his face if he's sincere about his words and yes, he is. Seryoso ang mukha na kahit hindi sa akin nakatingin ay alam kong galing sa puso niya ang pagsambit ng dalawang salitang iyon. "I'm sorry for leaving you. I just ... " "Kamusta ang Canada? Balita ko babalik ka rin daw doon? Kailan?" Pagak akong tumawa kahit halatang umiiwas ako sa pwedeng marinig mula sakanya. "Betty ... " "Okay na ako Ethan. Huwag kang mag-alala. Busy rin ako sa studies ko kaya ... " "I want to formally court you with the blessings of your parents Betty." Bigla niyang ginilid ang sasakyang sa isang kanto at tinigil ito. "And I'm serious about it. " He sincerely said. I was speechless. My lips parted. I was about to say something but none came out. Did he really said that? "Diba m-may .. " "Girlfriend? Hindi ko iyon girlfriend. She's just a friend of mine." Para akong nabunutan ng tinik at nagbigyan ng puwang para doon lumabas ang luha ko. Ang luhang matagal ko nang pinipigilan dahil sa maling akala. Ang iniyakan ko na akala ko pinaasa niya ako pero hindi pala kasi kaibigan niya lang iyon. Tinakpan ko ang mukha ko at humikbi. "Nakakainis ka." Sambit ko sa pagitan ng hikbi ko. Narinig ko itong mahinang tumawa at niyakap ako sa gilid ko. "Sorry Betty. Binigyan ko lang ng oras ang sarili ko para bumawi sa studies ko. I was pressured that time, sa study and family. Mataas ang expectation nila sa akin kaya I sacrificed my feelings and even my time to you. I'm sorry." He explained. I hugged him back. "Sorry din." Balik ko dito. "Don't say that. Ako dapat ang magsorry. Hmm? Pagkagraduate ko ay ipapaalam kita sa magulang mo. I'll asked permission from them para maging legal na tayo, hmm?" He promised. "But promise to stay with me. Ako lang dapat Betty. Huwag kang titingin sa iba. Please wait for me." Pagmamakaawa niya. Ngumiti ako. Kung alam lang niya na siya lang ang inaantay ko noon pang highschool ako. "Binabakuran mo na ako eh wala pa ngang tayo?" I jokingly said and he smiled. "Basta, ako lang ang lalake sa puso mo at wala nang iba." Then tightened his grip on me. "Opo." I replied. Nahatid niya ako sa bahay at agad rin siya umalis dahil may aattendan pa daw siya at nilaan niya lang ang oras na to para makasama niya ako. Para akong bulaklak na namumukadkad ngayon ng kay ganda. Nakangiti akong naglalakad at halos kiligin pa habang binabalik sa isip ko ang mga nangyari kanina sa loob ng sasakyan. Ang tamis tamis na halos ayaw matanggal ang ngiti sa labi ko. Halos napapangiti rin ang ibang kasambahay namin ditong nakikita akong nakangiti. Ang sarap sa pakiramdam. Nasa kwarto na ako at katabi ko ngayong ang cellphone ko at inaantay ang message niya. Papikit na ang mata ko ng tumunog ang cellphone ko at tumatawag na si Ethan. Agad ko itong sinagot. "Nakarating na ako dito sa bahay. Matutulog ka na ba?" Agad niyang tanong. Napangiti ako. "Hindi pa. Inaantay ko tawag mo." Sagot ko. "I miss you." He whispered. "I miss you too." Sagot ko. Hindi rin nagtagal ang tawag at pag-uusap namin at natulog narin kami. Paggising ko ay message agad ni Ethan ang natanggap ko. Babalik na daw ito ng Canada dahil tinakbo daw ang mommy niya sa hospital. Maski ako ay nag-alala sa mommy niya at hinayaan ko na siyang bumalik agad kahit na may isang buwan pa sana siya dito. Araw-araw, oras-oras ay kinakamusta ko si Ethan at ang mommy niya. Wala akong hindi sinasayang na araw at oras makausap ko lang siya. Ilang linggo ang lumipas at naging busy na ulit ito. Hinayaan ko na at inintindi na lang siya. Masyadong madugo ang kurso niya kaya suportahan ko nalang kahit minsan at nagiging madalas na namang itong walang message at call sa akin. Tinutok ko rin ang sarili ko sa iba pang gagawin ko lalo na sa application ko para sa OJT. Namomoblema ako kung saan ako papasok. Sa VF hotel and restaurant sana na siyang sikat at kilala kaso parang ang hirap makapasok roon lalo at wala kang kapit na nagwowork doon kaya nagtingin ako sa sites ng ibang pwedeng pag OJT'han. Paglabas ko ng school ay nakasabay kong lumabas si Ms Arellano. Nag-aayos ito ng mukha. Nagblablush on at lipstick pa. Siguro ay susunduin siya nong lalakeng iyon. Pumunta ako sa convenience store para bumili ng meryenda ng makita ko roon iyong lalake. Nakaupo ito at hindi siya nakaoffice attire na gaya ng nakikita kong laging suot niya noon. Ngayon ay naka jogging pants ito at nakajacket. Busy sa cellphone. Nang magbabayad na ako sa cashier ay lumabas na ito. Sumunod naman ako pagkatapos ibigay ang sukli ko. Paglabas ko ay halos muntik na akong matumba kung hindi ako nasalo at nayakap ng taong mismong nakabangga sa akin. Ang bango niya ay halos dumikit sa ilong ko at ang lambot ng suot niyang jacket ay para bang nakakaenganyong huwag bitawan. Tiningala ko ang lalakeng nakayakap sa akin para pigilan akong hindi matumba. Nakatingin siya sa akin. Ang lapit ng distansiya namin na halos maramdaman ko ang init ng hininga niya. Bigla akong napatingin sa mapula niya labi na para bang nagbabalik ala-ala ng gabing ninakawan niya ako ng halik. Napansin kong tumaas ang adams apple niya. "Kyle?" Tawag ng isang babae. Biglang akong nagising sa katinuan ko at bahagya ko siyang natulak. "Kyle, I've been waiting for you. Where you've been ba?" She asked. She looked at me too. Umiwas at umayos ako sa gilid. "Just go home." Utos nito at aalis na sana ng hawakan siya sa braso ni Ms Arellano. "Lagi mo na akong iniiwasan." Reklamo nito. "Did I told that I have someone else already?" Giit nito. "Hindi ako maniniwala kung hindi ko nakikita." Paghahamok nito. Umiwas ako ng tingin at aalis na sana ng biglang lumapit sa akin ang lalake at inakbayan ako. Napatingin ako sa kamay niya sa balikat ko at sinamaan ko siya ng tingin. Tatanggalin ko na sana ng higpitan niya iyon at ilapit niya ako lalo sakanya. "Maniniwala ka na ba kung ipapakilala ko sayo ang girlfriend ko sa harap mo ngayon?" Namilog ang mata ko sa narinig at nang tingilain ko siya ay nakangisi itong nakatingin sa akin at ang walang hiya ay kinindatan pa ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD