CHAPTER 10

1638 Words
  Thirty minutes later, bagsak ako sa couch sa gym habang pinapanood si Bryan na nag c-chin-ups. Hindi na ako makagalaw. “... nineteen... twenty!” bumaba na siya sa bar at lumapit sa akin. “Okay, tapos na ako.” kumuha siya ng bimpo sa tabi n’ya at pinunasan ang nagmamantika niyang katawan. “Sa bahay, gawin mo ang mga tinuro ko, ha? Tig-li-lima uli muna, tapos gradually, dagdagan mo, hanggang umabot ng walo, sampu, hanggang bente.” “Hi... hindi ko kaya...” “Sa umpisa lang `yan!” tumawa s’yang malakas. “Ako rin dati, ni `di ko nga halos mai-angat sarili ko, eh. Sobrang payat ko kaya noon, ang lampa ko pa, lagi akong nadadapa!” “Ta... tapos na ba?” “Oo, lika, dun tayo sa taas, magpalit ka na muna at pawis na pawis ka na!” In the end, naka limang sit ups ako, limang crunches, two minutes sa treadmill, at two sa stationary bike. Lahat sila, puro pahinga pa in between! `Di nga ako makapaniwalang inabot lang ako ng thirty minutes, eh, akala ko limang oras na kami rito!   Umakyat kami ng hagdan papuntang 2nd floor – exercise nanaman! May maliit silang living room na may mga upuang gawa sa kahoy na nakapalibot sa isang flatscreen TV. Sa tabi nito ay may pahabang mesa, at sa likod noon ay ang kusina. Sa tabi ng kusina ay isang hallway naman na natatakpan ng kurtina at papunta sa mga kuwarto. “`Lika, doon ka na magpalit sa kuwarto ko, gusto mo na rin bang maligo?” tanong niya. “Ah... h-hindi na...” agad kong sagot. “Okay, ang locker room kasi nasa baba, eh, at mano-mano ang painit namin ng tubig.” natawa s’ya habang binubuksan ang kuwarto n’ya. Maliit lang ito at may bunk bed sa loob. May dalawang mesa rin dito, ang isa, maraming libro, ang isa naman, ay puno ng mga art supplies at may mga drawings na nakadikit sa paligid ng pader. “Sa baba ang kama ko, d’yan mo na lang ipatong ang gamit mo.” sabi niya sa akin. Binuksan n’ya ang isang aparador sa dulo ng kuwarto at kumuha ng damit dito. Pati ang shorts niya tinanggal niya! At titig na titig ako na mabilog niyang butt cheeks, lalo na nang tumuwad siya para pulutin ang tinanggal niyang shorts! ‘s**t! Anong klaseng tukso ito?! Lord, sinusubukan Mo po ba ako?!’ Humarap siya sa akin. Kita ko ang korte ng birdie niyang nakabakat sa suot niyang boxer shorts! Tagilid ito, mukhang nasisikipan siya at gustong mag-break free! “O, hinihingal ka pa ba?” tanong niya. “Ba`t di ka pa magbihis?” “Ah... tama...” yumuko ako sa dala kong bag at kinuha na ang damit ko. “Buti na lang pumayag kang mag-member sa amin, medyo humihina ang gym ngayon, eh.” sabi n’ya sa akin habang nagsusuot ng shorts. “May nagbukas kasing bagong gym sa may bukana ng subdivision namin, nangalahati tuloy ang nagpupunta rito. Mas kumpleto kasi sila ng equipments doon.” “G-ganoon ba...” inalis ko na ang t-shirt kong basa sa pawis. “Oo, pero wag mong isiping `yun lang ang dahilan kung ba’t kita kinumbidahan dito, ha?” agad niyang bawi. “Gusto ko rin talagang i-train ang body mo.” at lumapit siya sa akin. Hindi nanaman ako nakagalaw nang hawakan niya ang sikmura ko pababa sa aking puson. “Sayang kasi katawan mo, ganda pa naman, mas gaganda kung mas defined ang muscles mo.” Bigla akong kinilig. “Ay, kinikilabutan ka ba sa akin?” napatawa si Bryan. “H-hindi! Hindi naman...” hindi ko malaman ang sasabihin sa sobrang hiya! “Sorry, hindi na kita hahawakan.” Tumatawa pa rin siya, ako naman, nasusunog ang mukha sa kahihiyan. Shit! Paano kung hindi na nga niya ako hawakan?! Fuck! Ano ba `tong iniisip ko?! “Daryl?” tanong sa akin ni Bryan, at anong gulat ko nang makitang kapit ko na ang kanyang kamay! Agad ko ito’ng binitawan at napaatras! Tumama naman ang aking binti sa kama at nahulog paupo, nauntog pa ako sa kama sa taas nito! Narinig ko `uling tumawa si Bryan. “`Uy, okay ka lang?” umupo siya sa tabi ko. “Ninenerbiyos ka nanaman, `wag ka’ng masyadong natatakot, `di naman kita aanuhin!” muli siyang tumawa. Anong aanuhin? Anong iniisip mo na iniisip kong gagawin mo? naisip ko. “Nakakatuwa ka, para kang pusa na konting kaluskos lang nagwawala na.” Ayun ba ang iniisip mo sa akin? muli kong naisip. “`Wag kang mag-alala, basta’t gawin mo lang sa bahay every morning at bago matulog yung mga tinuro ko sa `yo at `di magtatagal, gaganda na rin lalo ang katawan mo” sabi niya. “Hindi ka na mai-insecure sa akin!” “I-insecure?” ulit ko. Ayun ba ang iniisip niyang nararamdaman ko? Natawa si Bryan. “Gusto mo ba uling hawakan? Gusto mo suntukin mo pa, eh!” and he flexed his muscles. Shit. Tumutulo na ata ang laway ko. At tulad dati, gumalaw ng kusa ang mga kamay kong kumapit sa matigas niyang dibdib at mga mamon sa tiyan. “Ha-ha! Sandali, nakakakiliti na-“ bigla siyang natigilan nang mapatingin sa akin. Nagkatitigan kami. Dinilaan ko ang mga labi sa bibig kong bahagyang nakabukas at nakita siyang mapalunok. Titig na titig siya sa akin. Lumapit pa ang kanyang mukha. Napatingin na lang ako sa kanyang mga labi at napapikit. PAK!   Napadilat ako `uli. Nakita ko si Bryan na kapit ang magkabila n’yang pisngi na namumula. “Ah, yung mga sitsirya, naiwan ko sa gym!” bigla niyang sabi, “Baka lantakan nila Kuya yun, maubusan tayo!” nagmamadali siyang tumayo at nagsuot ng t-shirt, tapos ay dumiretso sa pinto. “Hintayin mo ko sa sala pagkabihis mo, kunin ko lang ang pinamili natin, tapos nood tayo DVD!” Sinara niya ang pinto at iniwan ako sa kuwarto. Shit! Ano ba `yan! Akala ko kung ano na ang mangyayari! Akala ko talaga hahalikan n’ya ako! “Bobo! Itsura mo? Walang hahalik sa `yo! Mamamatay kang virgin, Daryl!” sabi ko habang binabatukan ang sarili. “Napaka ambisyosa mo talaga! Stop jumping to conclusions!” Sa inis at kahihiyan ay ibinaon ko na lang ang mukha ko sa kama. Ah... ang bango... amoy Bryan... s’yempre, kama nga ni Bryan `to, eh, no, what do you expect? Shit. Napapadalas ang pakikipag-usap ko sa sarili. Ano na bang nangyayarri sa akin?!   Nanood kami ng DVD after that. Paglabas ko ng kuwarto, nasa living room na si Bryan at inihahanda ang palabas. Isang Marvel movie iyon, napanood ko na sa sine kasama sina Kuya, pero okay lang. Masayang kasama manood si Bryan na tuwang-tuwa sa mga fighting scenes. Maya-maya pa nga ay sinamahan pa kami ng Kuya Bernie niya na malakas namang tumawa. “O, may bisita pala tayo?” Napatingin ako sa may hagdan kung saan may nakatayong babaeng may ka-edaran na. May akay s’yang batang babae na nasa sampung taong gulang. “Ma! Nakauwi na pala kayo?” tumayo sina Bernie at Bryan na pinindot ang pause at nagmano sa nanay nila. “Kaklase ko nga po pala, ma,” turo niya sa akin. “Si Daryl.” Tumayo ako at nakimano na rin. “Good evening po, Tita.” “Ah, kaawaan ka ng Diyos.” sabi niya, “Nagmiryenda na ba kayo?” “May tsitsirya pa kami!” sabi ni Bernie. “Eto nga pala bunso namin, Daryl, si Gina.” sabi naman ni Bryan na yumakap pa sa batang babae. “Hello.” kumaway ako sa kanya. Hindi tumingin sa akin si Gina. Patuloy lang siyang nakatitig sa shoulder bag na nakasakbit sa balikat niya. May kinakalikot siya rito na maliit na stuffed rabbit key chain. Iniikot niya ito ng ilang beses, tapos at hahatakin. “Doon na kami sa kuwarto ni Gina.” mahinahong sagot ng nanay nila after silang halikan magkapatid. “`Wag kang mahihiya, Daryl, ha?” “Tuloy ang ligaya!” napatingin ako kay Bernie na hininaan muna ang volume ng TV bago pinindot ang play. “Baka gusto rin manood ng kapatid n’yo?” tanong ko kay Bryan. “Hindi gusto ni Gina ang TV.” sabi niya. “Nasa-spectrum ang bunso namin, autistic s’ya, kaya ayaw n’ya ng malalakas na tunog.” “Oh...” natahimik ako.   Kumain na kami after ng pelikula. Mechado ang ulam nila. Kasabay namin si Gina na tahimik na kumakain nang mag-isa. “So, fine arts din ang kurso mo, iho?” tanong sa akin ng nanay nila. “Opo.” “Anong major mo?” tanong ni Bernie. “Painting.” “Aba, matutuwa sa `yo sina Papa.” sabi pa niya. “Pintor din kasi ang asawa ko.” sabi ni Tita. “Nakita mo ba yung painting sa gym ng mga olympic men?” “Ah, opo, ang ganda nga po.” “Pag-uwi n’ya galing probinsya, papakilala kita.” sabi ni Bryan sa tabi ko. “May trabaho kasi sila ng Kuya Ian ko sa Iloilo, eh.” “Okay.” “Sige, baba na uli ako, baka natutulog na yung iniwan kong bantay doon.” sabi ni Bernie matapos niyang kumain. “Uuwi na rin po ako...” mahina kong sinabi. “Oo nga pala, baka naghihintay na ng text ang mga kapatid mo!” tumayo na rin si Bryan. “Ma, hatid ko lang po si Daryl.” “Sige, ingat kayo.” lumapit sa kanya si Bryan at humalik sa pisngi. Ganon din ang ginawa niya kay Gina na hindi siya pinansin. Ang sweet naman nila sa pamilya. “Salamat po, Tita.” sabi ko. “Bya, Gina.” patuloy naman sa mabagal n’yang pagkain ang bunso nila.   “Ang sasakyan lang natin dito Sta. Lucia.” turo sa akin ni Bryan nang nasa kalsada na kami. “Diretso na yun sa loob ng Sta. Lu, bababa ka na lang sa may entrance ng mall.” “Okay.” “Yung papunta, kabisado mo na rin?” “O-oo...” kaya lang, hindi naman ako marunong tumawid ng kalsada... “`Wag kang mag-alala, matututo ka ring mamasahe, next week sunduin uli kita sa mall para mas matandaan mo ang lugar.” “Okay... salamat.” “O, ayan na ang jeep, parahin mo.” Tinaas ko ang aking braso at tumigil ito. Wow, yun lang ang ginawa ko, pero sobrang saya ko na, at sobrang nerbiyos na rin! Sumakay na kami sa jeep, at ako pa ang pinagbayad ni Bryan. Pagdating naming Sta. Lucia, ako rin ang pinagpara niya, at sabay na kaming bumaba at pumunta sa meeting place namin nila Kuya. Nang gabing iyon, bago matulog, inisip ko, Marami akong nagawang firsts ngayon. First time ko yun na mamasahe! First time ko rin na mag gym at magpunta sa bahay ng ibang tao ng mag-isa. Kahit kasi kina Rylie hatid sundo ako lagi ni Kuya. Sana tuloy-tuloy na ito. Ayoko nang mabuhay na laging takot. Ayoko nang manghinayang sa mga bagay na sana nagawa ko. Sa Monday, promise. Magbabago na talaga ako.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD