CHAPTER 5

693 Words
We went out for lunch after namin humiram ng books sa library. “Saan ka bibili?” tanong n’ya sa akin habang nasa university cafeteria kami. Marami kasing mga tindahan doon na pagpipilian, parang food court lang sa mall. “Ikaw, saan mo gusto?” Yes! Nakapagsalita ako. “Kahit saan, `wag lang sa mahal.” “Ah, sandali...” napatalon ako nang magvibrate ang phone ko. kinuha ko ito sa aking bulsa. “Hello? Ate Althea?” ‘O, bunsoy? Nasa cafeteria ka ba? Nasaan ka?’ “Oo, Ate, kasama ko classmate ko...” ‘Wow, how nice! May kaibigan na agad ang baby brother ko!’ Ang lakas ng boses ni Ate! Tumalikod nga ako kay Bryan at nakakahiya ang tawag n’ya sa akin. “Sige na, Ate, kakain pa kami, ba-bye na!” “Huli ka!” Biglang may yumakap sa akin ng mahigpit! Muntik nang humagis ang puso ko! “Ate Althea!” napasimangot ako. “Nakakagulat ka naman!” “Haha, ang cute-cute talaga ng kapatid ko!” kinurot n’ya ako sa pisngi. “Halika, saan ba tayo kakain?” “Ate naman, nakakahiya!” agad ko siyang tinulak at napatingin kay Bryan na nakatitig sa amin. “Ah, ikaw ba ang bagong kaibigan ni Daryl?” pinanood kong mamula ang mukha ni Bryan nang ngitian siya ni Ate Althea. “Althea, economics, fourth year.” inabot n’ya kay Bryan ang kamay niya. “Bryan Lorenzo!” he took it and smiled like an idiot. See? I thought to myself. Buti hindi ako nag-fall sa `yo. Kung hindi, siguradong sawi nanaman ako. “So, painting din ang major mo?” tanong sa kanya ni Ate. “Ah, hindi po, visual communication arts po ang course ko.” “Buti may classes kayo na pareho?” “Opo, parehas lang kasi halos lahat ng classes namin.” Naghanap na lang ako ng mauupuan. Mukhang mahaba pa ang chikahan ng dalawa. “Saan n’yo nga pala gustong kumain?” tanong ni Ate na sumunod sa akin. “Ako na bahala sa inyo.” “Talaga po?” “Naku, `wag mo na akong po-in, hindi naman ako matanda! Ate Althea na lang tawag mo sa akin.” “Ah... thank you, Ate!” ngumiti si Bryan sa kanya. At hindi ko maalis ang mata ko sa ngiti na iyon. “O, Daryl, oorder ako ng mga paborito mo ha?” sabi sa akin ni Ate. Napatingin sa akin si Bryan, at agad akong umiwas. “Ikaw bahala.” bulong ko. “Ang ganda ng Ate mo, pare...” ayan na ang tawagan. “Marami nga nagsasabi.” sagot ko. “Pero alam mo, kung naging babae ka mas maganda ka pa du’n.” Bigla akong napatingin kay Bryan na nakangisi sa akin. Okay. It’s just a joke. A joke. “Hm.” sagot ko. “Ano nga pala ang kinuha mong PE?” iniba niya ang usapan. “Bukas PE kami eh, kayo rin ba may PE?” “Oo... basketball ako...” “Uy! Tamnag-tama, 9 am din ba?” Tumango ako. “Haha, kita mo nga naman `yan, talagang parehas lahat ng klase natin ha?! Matagal ka na bang ang ba-basketball?” “Oo...” “Ayus! Ano bang height mo? Halos magkasing tangkad nga tayo eh.” “Five feet ten inches ako.” “Ako naman Five eleven. Noong Highschool nga kasama ako sa varsity eh, hanggang Senior high, ikaw?” “Bangko lang ako.” “Okay lang yun! Malay mo maging regular tayo ngayon!” Asa. Nagpatuloy pa siya sa pagkuwento, ako, nakikinig lang, pasagot-sagot minsan. Sa wakas, dumating na si Ate Althea, na may kasunod na manong. “O, gutom na ba kayo?” “Naku, dapat pala tinulungan ka naming magbuhat!” sabi ni Bryan na kinuha ang bitbit n’yang tray na puno ng pagkain. “Okay lang, nandito naman si Kuya e.” ngumiti s’ya sa lalaking kasunod n’ya. “Basta ikaw, ma’am!” sagot nito. “O, sige, kain na tayo!” “Andami naman, Ate...” Tinitigan ko ang anim na putahe sa aming harapan. May paksiw na pata, sinigang, nilagang hipon, pork chop, chicken inasal, at bulalo!” “Wow, sinong may birthday?” tumatawang tanong ni Bryan. “Alam mo kasi, ang laki ng ipinayat nitong baby bro ko, eh,” nakangiting sagot ni Ate Althea. “Kaya gusto ko kumain uli s’ya para bumalik ang pagka-cute n’ya!” “Talaga?” napatingin sa `kin si Bryan, tumatawa. Nag-init nanaman ang mukha ko. “Ate talaga...” “Naku, ang cute mo na nga ngayon, eh, ano pa kaya ang itsura mo dati?” sabi ni Bryan. Napatitig ako sa kanya. “Walang kasing cute!” sabi ni Ate na nagsimula nang kumain. “O, nakatingin ka nanaman sa akin?” bulong ni Bryan sa tabi ko. “Baka matunaw ako n’yan ha?” Ini-snub ko nga siya! Pakiramdam ko, puputok ang mukha ko sa init! “H-hindi ah!” Agad akong kumuha ng paksiw at isinabaw ito sa kanin. Tumawa naman ang katabi ko na kumain na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD