CHAPTER 4

1230 Words
“Okay, take two. This time, magsasalita na ako!” sabi ko sa salamin. “This time, I’ll start the conversation! At hindi na ako matatameme tuwing may lumalapit sa akin!” Huminga ako ng malalim ng ilang beses at tinignan ang sarili ko sa salamin. “You can do this, Daryl! Kayang-kaya mo `to!” Tinapik-tapik ko ang mukha ko. Sinuklay ko ang buhok ko to one side at lumabas na ng banyo, nang biglang tumunog ang doorbell. Pucha ang puso `ko, nag nosedive sa lapag! “Sino po sila?” tawag ni Kuya sa may pintuan habang hinahabol ko ang hininga ko. “Manghihingi lang po nang konting tulong...” “Haaay...” ang aga-aga naman ng mga namamalimos! “O, Daryl, handa ka na ba?” tanong sa akin ni Ate na umiinom ng kape sa mesa. Mamayang 10 pa ang pasok n’ya kaya wala akong kaagaw ngayon sa banyo sa baba. “Oo, Ate, alis na kami.” Narinig ko ang busina sa labas. “Daryl, `lika na!”   Pagdating ko ng school, binati ko si manong guard, tapos ay dumiretso na ako sa second floor para sa una kong klase. “First subject, Math, room 204...” bulong ko sa sarili. Humarap ako sa pinto ng room 204, huminga ng malalim ng ilang beses, at saka naglakas loob na buksan ang pinto. “Hindi ka ba papasok?” Napatalon ako at napatingin sa likod! May babaeng nakatayo doon, nakasimangot sa akin. Nakasuot siya ng light blue dress. “Ah... s-sorry...” bulong ko. “Oh, okay lang!” bigla s’yang napangiti. “Freshman ka rin?” hinawi n’ya ang buhok n’ya sa likod ng kanyang taenga. Tumango ako. “Halika, pasok na tayo?” ngumiti uli s’ya... is she... actually laughing at me? Binuksan na nga niya ang pinto, at sumunod naman ako sa kanya. “Lucy! Hi! Kamusta!” bati agad ng ilang mga babae sa kanya. “Rita! Celine! Goodmorning!” bati pabalik ng babae sa isang babaeng naka all pink, at isang naka all black naman “Oh, my, who’s your friend?” Tumingin sa akin si Lucy. Nakatitig rin yung dalawang babae sa akin. Agad akong tumingin sa baba at naglakad paalis. Mukhang nakaistorbo pa ako sa kanila. “Wait lang, pogi!” hinatak ni Lucy ang braso ko! Napalingon akong pabalik, ang mga mata ko nanlalaki! “Ano nga pala name mo?” tanong nila sa akin. “H-ha? Ah... ano... D-Daryl... Crisostomo...” pahina ng pahina ang salita ko. “Daryl?” ayan na, manunukso na... “Ang cute naman ng name mo, bagay na bagay sa `yo!” napatitig ako sa kanila. “My Name is Lucy Tipones, these are Rita Castillo and Celine De Leon.” “Hi!” sabi ni Celine na may braces at pipikit-pikit ang mata... na puwing kaya siya? “Anong major mo, Daryl?” tanong naman ni Celine na nakaitim na long blouse and capri shorts. Gusto ko nang umupo... “Vis Comm Kaming tatlo, galing kami sa St. Rita Academe, ikaw saang school ka galing?” “P-painting... Saviorville Academy...” “Wow, sa Makati?” tanong ni Rita... I mean Celine... “H-hindi... sa Antipolo...” “Oh, rich kid ka pala!” sabi naman ni Lucy. “H-hindi...” “Uy! Pareng Daryl!” biglang may umakbay sa akin! Balak ko na sanang magpakahulog at tumakas na palabas ng pinto, pero inipit n’ya ang ulo ko sa braso n’ya! “Ba’t ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay!” Napatitig ako sa lalaking umakbay sa akin... Siya yung tumabi sa akin kahapon! “Hey, Vis Comm ka rin, `di ba?” tanong sa kanya ni Rita. “Yup! Ako nga pala si Bryan Lorenzo.” inabot n’ya ang kamay niya sa tatlong mga babae at isa-isa silang kinamayan. “Friends na pala kayo ni Daryl?” tanong pa ni Lucy. “Oo naman, sige, d’yan na kayo, ha, upo na kami!” Bago pa man makasalita uli ang tatlo, eh, hinatak na ako ni Bryan sa loob ng kuwarto. Napatingin ako sa classroom. Halos puno ito at wala nang available na seat, pero dinala ako ni Bryan sa dulo kung saan inalis n’ya ang bag n’ya sa isang upuan. “Ayan, tamang-tama, buti naisipan kong mag save ng upuan para sa `yo!” sabi niya. Pinaupo niya ako doon at pumwesto naman sa tabi ng bintana. “T-thank you...” bulong ko sa kanya. “Walang anu man!” ngumisi siya, showing his sungking ipin. “Pansin ko kasi parang uncomfortable ka na kaya I come to rescue!” bulong n’ya pabalik. Nag-init ang mukha ko. Hindi naman `yun ang pinasalamat ko, pero salamat na rin at napansin n’ya pala ako kanina. “Bryan nga pala `uli.” inabot n’ya sa akin ang kamay n’ya. “Daryl...” magaspang ang kamay n’ya, at ang laki... “Oo, narinig ko kanina.” lumapit pa siya sa akin at bumulong. “Sorry uli kahapon ha, natuwa lang ako sa drawing mo kaya ganon...” Napaatras ako. Nag-init ang taenga ko na binulungan n’ya. “W-wala yun... s-sorry rin...” “Para sa’n?” tumawa uli siya. “Ay, ayan na pala si ma’am!” umayos kami ng upo. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya. Ang ganda ng side profile n’ya, prominent brow, deep set eyes, matangos ang ilong at full lips, down to his jaw line, his neck and adam’s apple... “Hm?” napa tingin s’ya sa `kin! Agad akong umiwas at yumuko! Muli s’yang tumingin sa harap, at muli ring tumibok ang puso ko. “Ano ba `yan, Daryl! Ayan ka nanaman, eh! `Di ba nga tama na? Enough na! `Wag ka nang ma-fall pa sa mga straight guys! Alam mo namang lost cause lang `yan, eh!” Dahan-dahan akong sumulyap pa `uli sa kanya ng sandali- “Huli ka!” sabi ni Bryan na nakatingin pala sa akin! Muli akong yumuko at nagpalumbaba pa sa kaliwa para matakpan ang mukha ko. Narinig ko siyang magpigil ng tawa. Syet. Ramdam ko ang init na umakyat pati sa taenga ko! “Okay, class, answer the excersises on the board.” sabi ng professor namin, at kinailangan kong ibaba ang braso ko para magsulat. “Alam mo ba, pareho tayong kaliwete?” Nanigas nanaman ako. Pero after naman nu’n, hindi na siya nagsalita uli at tahimik na naming sinagutan ang exercise. Nang matapos ang klase, nagmamadali akong tumayo. “Anong susunod mong klase?” tanong ni Bryan na nakakapit agad sa balikat ko. “F-FA 16” sagot ko. “Drawing I” “Sige sabay na tayo.” Tumayo na s’ya at sumama sa akin palabas ng room. “Daryl, saan kayo tatambay?” tanong sa amin nila Lucy. “Sikretong malupet!” sagot ni Bryan, sabay tawa. “Lika na habang nag-papaganda pa `yung tatlo. Anong room ba ang FA 16?” “Sa 305.” “Ah, tataas pala tayo.” Hindi ako makapagsalita. Gusto ko siyang kausapin pero... “Sa’n mo gustong umupo?” Napatingin ako sa classroom na wala pang sampu ang tao. “S-sa harap... sana...” “Okay!” Umupo na nga kami sa harap, at tamang-tama naman dahil pumasok na ang professor namin. “Please pass your classcards in front.” sabi ng professor naming si Sir dela Rosa. Inabot sa akin ni Bryan ang classcard ko, pati na rin ng mga kaklase namin sa likod at saka ibinigay iyon sa professor namin na ipinatong naman ito sa mesa. “Our Subject is about Western Art History, please bring the following books for our next meeting...” “Nakow, bibili pa pala ng libro...” napabulong si Bryan. “You can download ‘2d Visual Perception’ from the internet. The rest you can borrow from the FA Library, or share with a blockmate.” dagdag ng professor na mukhang narinig siya. “Ah, buti na lang.” habol ni Bryan. Napangiti ako. Napatingin naman siya sa akin at ngumisi. “Okay class, I will dismiss you early for today. Don’t forget to read up to chapter 3 for our next class.” “Ayun! Free time!” tumayo na rin si Bryan at tumingin sa akin. “Anong next class mo?” “FA14... mamaya pang 2 pm...” sagot ko. “Ako rin!” lumaki ngisi n’ya. “Saan mo gustong tumambay?” “Um... gusto ko sanang hanapin yung books na nilista ni Sir sa library...” “O, sige, halika na!” Tumayo na rin ako. Masasanay din akong kasama si Bryan. It may not be the coming out I had in mind, pero at least may kasama ako. I just hope I don’t fall in love this time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD