CHAPTER 3

887 Words
May pumatak sa aking sketch pad. Pinunasan ko ang mukha ko. Tama na ang drama. Wala na si Rylie. Pagsampa namin ng senior high, nawala na ang lahat ng baby fat n’ya. Naging crush s’ya ng bayan, at kahit pa hindi n’ya ako nilayuan, nagkahiwal kami dahil magka-iba ang kinuha naming track. Ako sa Arts and Design, s’ya sa STEM. Hanggang sa halos `di na kami nagkikita, puro text messages na lang. Hanggang sa sabihin n’ya sa akin na may liligawan s’ya. Hanggang sa sagutin na siya ng babae na iyon. Puro text messages na lang kami hanggang sa huli. Pero ang pinaka importanteng message, hindi ko nasabi sa kanya. Ni minsan, hindi ko nasabi na mahal ko siya.   Tumunog ang cell ko. ‘D2 na q’ ‘Coming’ reply ko. Lumabas na ako sa banyo. Naglakad ako sa loob ng Fine Arts building, pakaliwa sa front entrance, nang may makasalubong akong lalaki na may bitbit na mahabang canvas! “Look out!” napasigaw siya. Hindi agad ako nakatigil dahil sa bilis ng lakad. Tumama ako sa canvas at na-off balance! “Waah!” napasigaw na rin ako. Naghanap ako ng makakapitan dahil pabagsak na ako sa kabila ng bitbit niya! “Uy! Okay ka lang?!” tanong ng lalaki na agad akong sinalo sa isang braso lang! Kumapit ang kaliwang kamay niya sa aking kanang dibdib. “Sorry...” agad akong nag apologise at yumuko ng ilang ulit bago nakatayo ng mabuti. “Ako nga dapat mag sorry, hindi ko inakalang may tao pa pala rito.” itinayo n’ya ang bitbit n’yang canvas. Halos kasing taas n’ya ito. “`Oy Mateo, kita mo nga muntik ka nang makadisgrasya!” sabi ng isang malamig na boses sa likod niya. Napatingin ako sa lalaki’ng sumalo sa akin. Siya pala yung nasa registration table kanina. “Sabi ko kasi sa `yo `wag mong hawakan ng pahalang yung canvas, eh!” sabi ng kasama n`yang lalaki. “Eh, sa mas madaling bitbitin ng pahaba eh!” sagot ni Mateo sa kasamahan, sabay tingin `uli sa akin. “Okay ka lang ba?” tanong n’ya `uli. “Daryl, right?” “O-opo...” bulong ko pabalik. “Hala, may sugat ka sa braso!” turo n’ya sa kaliwang braso ko na nagdudugo na pala. “Ah... okay lang...” maglalakad na sana ako palabas nang hatakin niya ako pabalik. “Nako, kumaskas ka ata sa canvas ko!” sabi niya. Napatingin ako sa bitbit n’yang canvas at nakitang medyo nakaangat nga ang isa sa mga staple wires na ginamit sa pag-stretch nito. “O-okay lang... galos lang po...” Napatingin sa akin si Mateo. Mestiso s’ya, makapal ang kilay, at malalim ang mga mata, mukhang Arabo. Tumingin ako palayo. “Kailangan magamot `yan ,” pilit niya. “baka mamaya maimpeksyon pa, kaliwete ka pa naman!” “P-paano mo...” napansin kong nakatingin siya sa relo sa kanan kong kamay. “Andrew, ikaw na muna rito!” iniwan niya ang bitbit na canvas sa kasamahan niyang sabog ang buhok. “Halika, doon tayo sa infirmary.” hinatak n’ya naman ako palayo. “S-sandali... may sundo ako...” hindi niya ako pinansin. Tuluyan niya akong hinatak pabalik sa loob ng building. Lumiko kami sa kanan, at nakita ko ang isang room doon na may red cross na nakalagay sa may pinto. “Ate Cynthia! May emergency po!” tawag n’ya pagbukas ng pinto. “O, ano nanaman Mateo? Napako mo nanaman ang sarili mo, o nahulugan ka nanaman ng lata ng pintura sa paa?!” tanong ng isang magandang nurse na nakaupo sa loob. “Ate Cynthia naman, hindi ako ang pasyente mo ngayon!” nakangisi n’yang sinabi “`Eto may nasugatan.” Napatingin sa akin ang nurse. “Don’t tell me ikaw ang dahilan?” natawa lang si Mateo. “G-Galos lang po...” sabi ko. “Halika at matignan.” tawag n’ya sa akin nang nakangiti. Inabot ko naman sa kanya ang kaliwang braso ko. “Hmm, buti at hindi masyadong malalim, pero linisin na rin natin para sigurado.” kumuha na siya ng bulak at antiseptive sa may cupboard. “Daryl, ang pangalan mo, tama?” tanong uli ng lalaki. “Ako nga pala si Mateo Pilar, second year,” ngumisi siya. “`eto girlfriend ko, si Ate Cynthia!” Napatingin ako sa nurse na kasalukuyang nililinis ang sugat ko. Bakit kaya n`ya tinatawag na Ate ang girlfriend n’ya? Dumiretso ng upo ang nurse at dinagukan si Mateo. “Girlfriend ka d’yan ?” sabi nito. “Daryl, `wag kang magpapaniwala d’yan sa lokong Mateo na ‘yan . Maliban sa pagiging playboy, eh, napakapilyo pa n’yan.” Ah, okay, so hindi sila mag-syota? “Excuse me?” may kumatok sa pinto na pabukas na ngayon. “Mayroon po bang...” Napatingin ako kay Kuya Brent na nakasilip sa roon. “Kuya!” tawag ko sa kanya. Gusto ko na sanang tumakbo sa tabi niya, kaya lang kasalukuyang nilalagyan ng bandage ni Ate Cynthia ang braso ko. “O, anong nangyari sa `yo?” nasa tabi ko na agad ni Kuya. “Naaksidente ka ba? May nanakit ba sa `yo?!” tanong niya. “Nagalusan lang, Kuya...” “Pasensya na po, Kuya, sumabit s’ya sa canvas kanina.” sabi ni Mateo. “Ayan, all done.” sabi naman ni nurse Cynthia. “Thank you for taking care of my baby brother.” sabi ni Kuya, sabay ngiti sa nurse na hindi maalis ang tingin sa kapatid kong suot pa ang kanyang doctor’s gown. “Kuya, let’s go.” “Okay, paalam ka na sa kaibigan mo.” turo n’ya kay Mateo na masama ang tingin sa kanya. “T-thank you.” I said as I bow my head and head out of the room. “Pasensya na kayo sa baby bro ko, napaka mahiyain lang noon.” narinig kong sabi niya. “Thanks for taking care of him, pare.” “No problem, pare.” sagot ni Mateo. “O, lika na.” lumabas na si Kuya ng clinic. Sinundan ko s’ya papuntang kotse without looking back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD