CHAPTER 2

1620 Words
“O, Daryl , here’s your stop, i-text mo ko `pag tapos na mga classes mo ha?” sabi ni Kuya from the front. “`Wag kang magpapakagutom! At `wag kang sasama sa kung sinong `di mo kilala! Sa Fine Arts Building ka lang!” “Opo Kuya!” sagot ko, at nagawang ngumiti. “Nasa bago mo na bang phone ang number namin ni Kuya?” tanong naman ni Ate Althea bago ako bumaba ng kotse. “Oo Ate, napasok ko na pareho.” “Okay, ingat, baka iwala mo uli `yan, ha?” “Hindi na... ingat din kayo!” Sa wakas, nakalabas din ako ng kotse. Hinintay pa nila Kuya na makapasok ako ng building bago niya uli patakbuhin ang sasakyan. “Hay...” buntong hininga ko, “Napaka clingy talaga ng dalawang iyon...” Naglakad ako papunta sa entrance kung saan may guard na nakaupo sa likod ng mesa. Huminga ako ng malalim. Inayos ko ang suot kong t-shirt at nag step forward. Dito na ako magsisimula... “M-manong, saan po ang orientation ng new students?” good, I didn’t stutter much! “Sa main art gallery,” sagot ng guard, “Kaliwa ka, tapos kanan, tapos labas ka ng building. Sa likod ang gallery. At late ka na.” pahabol niya. “Salamat po manong!” sagot ko, sabay takbo sa kaliwa. Marami na ngang tao sa main gallery pagdating ko roon. Isa itong three storey building. Sa ground floor ang orientation, isang open space na kasing laki ng basketball court. “New student?” tanong ng isang lalaking nakaupo sa likod ng mahabang mesa. Napatingin ako sa kanya. “Please register here.” nakangiti s’ya at nag-abot ng ballpen sa akin. “Ah... ok...” Lumapit ako sa mesa, hinanap ang aking pangalan sa isang folder sa kanyang harapan, at lumagda sa tabi nito. “Daryl Crisostomo?” biglag tanong ng lalaki sa harap ko. “Y-yes?” napatingin ako `uli sa kanya, at agad ding umiwas. Mukhang gulat siya. “Oh, nothing...” natawa yung lalaki. “I just thought you were a girl!” Ramdam ko ang pamumula ng mukha kong nag-init. “Ah, sorry, my mistake...” nagpigil ng tawa ang lalaki at inabot sa akin ang kamay niya. “Ako nga pala si Mateo Pilar, member ako ng Maybunga Fine Arts Association.” Tinitigan ko ang kamay niya. Galaw! Kunin mo yung kamay! Bagong buhay, remember?! Pero kahit anong pilit ko, hindi ko nagawang hawakan iyon, hanggang sa ibaba na ito ng lalaki. “Um... anyway, kanina pa nag-start ang orientation, just take a seat anywhere you like.” patuloy niya. Hindi naalis ang ngiti sa kanyang mukha. “And I hope you have a great time in campus!” Tumango ako at pumasok na sa loob. Buti na lang, may mga bakante pang upuan sa likod. Umupo ako sa gitna ng tatlong bakanteng silya at kinuha ang Student’s Handbook sa bag ko. Mukhang tama nga ang sinabi ni Ate, iniisi-isa lang ng speaker sa harap ang laman ng handbook. Kinuha ko na lang ang maliit kong sketch book at nagsimulang mag-drawing. Isang isdang tumatalon-talon sa tabi ng fishbowl. Ito kasi ang pakiramdam ko ngayon. Wala sa lugar. At dahil nawala ang shaggy kong buhok, ang malaki kong salamin, at pati na rin ang nakabalot sa aking taba, feeling ko, sobrang exposed ako. Nag drawing na rin ako ng pusa sa likod ng fishbowl. Nag-aabang. Handang dakmain ang isdang- “Nice, galing ha?” Pucha! Parang isdang tumalon ang puso ko! Napatingin ako sa kaliwa, sabay takip sa dino-drawing ko na agad nalukot. May lalaki palang umupo sa tabi ko, nakatingin sa table kung saan nakapatong ang aking sketchbook. “Uy! Ba’t mo nilukot?!” inalis niya ang kamay ko at kinuha ang sketchbook, leaving a creepy feeling as he touched my skin. “Ayan, nag smudge tuloy yung pen!” pilit niya itong inayos. “A-akin na...” “Ayos ha, mukhang may tubig talaga ang fish bowl, kahit ballpoint pen ang gamit mo. Pati ang shine ng kaliskis ng isda, mukhang tunay!” dagdag niya habang tinititigan ang ginuhit ko. “Pero ba’t ganon yung pusa nakatitig lang sa isda? Sana nilagyan mo s’ya ng konting facial expresion, `yung parang nagtatakam na s’ya.” “A-ang sketch pad ko...” ulit ko, pero wala siyang narinig. “P’wede mo ring ilabas yung dila ng pusa, saka lagyan ng talim ang tingin niya sa isda, para feel ng audience ang intensions n’ya... para kasing kulang yung pic eh, wala masyadong buhay. Flat!” “H-hindi mo naman makikita ang intentions ng mga tao sa isang tingin lang, eh.” sabi ko. Napatingin sa akin ang lalaki. Too close! Agad akong napaatras at napatitig sa kanya. Nakataas ang mga kilay n’ya at nanglalaki ang itim n’yan g mga mata. Matangos ang ilong niya at pink ang mga labi, kahit pa moreno ang kutis niya. “Mga tao?” tanong niya sa akin. “Ah... so may deeper meaning pala ang drawing mo?” ngumisi s’ya. Ang puti ng mga ipin n’ya, at may sungki siya sa may kaliwang pangil. Ang cute. “A-ang sketchpad ko...” kukunin ko na sana ang pad, nang ilayo n’ya ito sa akin. “Ah... gets ko na!” sabi niya. “’Fishing out of the waters’, tama?” Napatunganga ako sa kanya. “Ha?” “`Yung idioms na ’Fishing out of waters’, yung feeling mo na out of place ka, tama?” napatango na lang ako. “At yung pusa naman... mukhang may gustong kumain sa `yo!” muli s’yang tumawa. Pilit ko uling inabot sa kanya ang pad ko. “Ano pa’ng na-drawing mo rito?” tanong niya, sabay lipat sa unang pahina. “Patingin ha?” May magagawa pa ba ako?! Pinanood ko na lang siyang tignan ang mga sketches ko. Mga ibon, pusa, aso, bulaklak... ano pa nga bang nai-drawing ko doon? “Uy, ayos ang portait mo ha?” Napatayo ako at biglang hinatak ang aking sketchpad. Napatingin sa akin ang speaker sa harap, pati na rin ang ibang mga tao. Agad akong naupo at tumango. Feeling ko natutunaw ako sa aking silya. Isinaksak ko ang sketchpad ko sa bag at nag-wish na sana mawala na ako sa mundo na parang tubig na nag-eevaporate sa ilalim ng mainit na araw sa desyerto. “As I was saying...” sabi ng speaker, “You can wear anything you like, as long as you keep your private parts private...” patuloy nila. Nakahinga ako ng malalim. “Sorry...” bulong ng katabi ko. Hindi ko na siya pinansin hanggang sa matapos ang orientation, hindi na rin ako tumingala uli. Hinabol ko na lang ang kumaripas kong puso at kinalma ang aking dibdib at agad na tumayo nang i-dismiss kami. Narinig kong may tumatawag sa akin, pero hindi ko iyon pinansin. Patakbo akong nagpuntang CR. Nagkulong ako sa isang cubicle at ibinaba ang toilet seat, tapos ay umupo ako dito at naglabas ng cellphone. ‘Tapos na class ko. Sundo mo na ko.’ type ko sa text. Nag vibrate agad ang cellphone ko in reply. ‘On my way’ saad nito. ‘txt me wen u get here’ reply ko. May narinig akong ibang mga tao sa banyo. Mga nagku-kwentuhan, nagkakaayaan gumala kung saan. Ako naman, umupo ng maayos sa toilet seat, huminga ng malalim, nagsuot ng earphones at nakinig sa mga kanta ng paborito kong bandang Pilak.   ‘You touch me, you break me, you turn me upside down and you don’t even know how much you kill me...’   Kinuha ko ang sketchpad ko para mag drawing, nang may makita akong pirasong papel na naka-fold sa loob ng bag ko. “Aba, saan galing `to?” sabi ko sa sarili. Bunuksan ko sa pagkakatiklop ang papel. Piraso ito ng lined notebook, at sa gitna nito ay may drawing. Isang caricature ng lalaking mukhang napaka lungkot at umiiyak habang may katabing isa pang lalaking nakasimangot at naka-snub sa kanya. “Ako ba `to?” Kamukha ko nga ang lalaking nakasimangot! Mula sa singkit na mata, matangos na ilong, at manilip na labi, pati sa one-sided hair-style na pinasadya ni Ate para sa akin sa salon! Ang isa naman ay kamukha ng lalaking nakatabi ko kanina. Pero, bakit ang cute ng nasa picture? Samantalang ang totoo, eh, napaka panget ko? Totoo nga siguro ang sinasabi nila na pwede kang pagandahin ng artist, para siguradong bibilhin mo ang portrait na gawa nila. Finold ko uli ang drawing at inipit iyon sa pad ko. “Nakakatuwa naman s’yang magdrawing.” Ginuhit ko rin ang kanyang mukha. Oval ito, defined ang panga, pero hindi masyadong pangahan. Sideswept hair na faded sa gilid, meron s’yang willow’s peak, pero di masyadong defined, black eyes, full lips... tinignan ko ang ginuhit ko at napangiti. Cute s’ya, lalo na `pag nakangiti at nakikita ko ang sungki niya sa gilid. At ang kulit niya. “Para s’yang si Rylie sa kakulitan.” Tama. Si Rylie. Ang aking best friend since I started highschool. Inilipat ko ang pahina sa pad ko at tinignan ang portrait n’ya na matagal ko nang iginuhit.   “Daryl Crisostomo? Ba’t Daryl? Pambabae?!” pangungulit ng mga kaklase ko nang malaman ang name ko. “Oo nga, pero ang may ari, dambuhalang biik!” Mataba kasi ako talaga dati, matangkad pa, habang ang mukha kong puro pimples, baby face, hindi bagay sa katawan kong dambuhala. “Bakit? Pang lalaki rin naman ang Daryl ha?” sabi ng boses sa likod ko. “Nalimutan n’yo na ba si Daryl sa ‘Walking Dead’? Astig kaya `yon!” Napatingin ako sa likod at may nakitang lalaking mataba rin tulad ko, at halos kasing laki ko. “At `wag kayong mang-asar ng mataba ha?! Baka gusto n’yo daganan namin kayo!” nagtawanan sila sa klase, samantalang ako, gusto nang maglaho. “Okay ka lang?” tanong n’ya sa akin nang umalis na ang iba naming classmates. “`Wag mong pansinin `yang mga tingting na `yan, inggit lang sila dahil malulusog tayo.” tumatawa niyang sinabi. “T-thank you...” nagawa ko’ng ibulong. “Okay lang `yun.” sagot niya. “Dati madalas din akong ma-bully, kaya sanay ako sa ganyan.” ngumisi s’ya sa akin. May sungki s’ya sa lower teeth n’yang mapuputi. “Matangkad ka, marunong ka bang mag-basketball? Laro tayo minsan?” Nagulat ako sa sinabi n’yang iyon. Infact, madalas akong magulat sa maraming bagay concerning Rylie. Nagawa n’ya kasing makipagkaibigan sa akin, kahit pa napaka gloomy ko at anti-social. Nagt’yaga rin s’yang magturo sa akin mag-basketball kahit pa napaka clumsy ko, at lagi n’ya akong pinagtatanggol kahit hindi ko `yun magawa para sa sarili ko. Kaya nga best friend ko siya eh. Pero noon yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD