CHAPTER 34 “Oo nga, nalinis ko na, pinalitan ko na yung sapin, ginamot ko na rin yung mga sugat n’ya... pero `di pa rin siya nagigising...” Dumilat ako at sa `pag galaw lang nang bahagya ay parang may napunit sa aking likuran. “Hss...” napa singasing ako sa sakit. Nakita ko si Bryan na napalingon sa akin. Naka-upo siya sa gilid ng kama ko at may hawak na cellphone. Tumutulo ang luha sa mga mata niya! “D-Daryl!” ngumangawa siyang yumakap sa akin. Muling sumakit ang katawan ko! “A-aray...” “Ah, s-sorry!” sabi ni Bryan na agad umupo ng diretso. “S-sorry, sorry, sorry talaga! Hindi ko sinasadya! Hindi ko talaga mapigilan sarili ko!” ‘Hello?’ sabi ng boses sa cellphone. Pinulot uli ito ni Bryan. “O-ok na po, Tito, gising na si Daryl!” tumango siya ng ilang beses. Narinig kong su